Paggamit ng social media sa intel gathering, tinuligsa ng NUPL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 469 total views

Dismayado ang National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa pahayag ng sinibak na Caloocan Chief of Police PS Supt. Chito Bersaluna na ibinatay ng mga pulis sa social media ang pagkakasangkot ng 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa kalakalan ng illegal na droga sa Caloocan City.

Ayon kay Atty. Neri Colmenarez, spokesperson ng NUPL, hindi katanggap-tanggap at sumasalamin sa palpak na intelligence gathering ang pahayag ng dating hepe ng Caloocan PNP.

Iginiit ni Atty. Colmenarez na marami ang maaaresto at masasakdal ng walang kasalanan kung ibabatay lamang sa social media ng mga otoridad ang pangangalap ng katibayan.

Binigyan diin rin ni Colmenarez ang pangunahing panuntunan sa Saligang Batas ng pagkakaroon ng Warrant of Arrest ng mga otoridad bago arestuhin ang sinuman.

“The law requires na ang mga otoridad may susunding patakaran, ang unang rule walang aresto kung walang warrant of arrest, basic rule yan sa constitution. Kay Kian may nakita kayo sa Social Media na addict siya o pusher siya tapos aarestuhin mo, hindi ganun, di ang daming maaaresto dito sa atin sa buong Pilipinas. Social Media lang pala kaya napaka-palpak naman ng intelligence nila,” pahayag ni Colmenarez sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, naniniwala rin si Colmenarez na hindi lamang gawa ng isang sira-ulong pulis ang naganap kay Kian sa halip ay isang patakaran upang mapuksa ang mga drug personalities sa bansa na hindi sumusunod sa tamang proseso ng batas.

“Sa akin malaki ang aking paniwala na hindi ito parang gawa lamang ng isang sira-ulong pulis, ito ay isang patakaran to eliminate you know mga drug whether mga drug addict or drug pusher or suspected drug addict and Kian was one of many victims na ng extra-judicial killings…” Dagdag pahayag ni Colmenarez.

Ang marahas na pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga ay mariing kinokondena ng Simbahang Katolika.

Batay sa datos ng Philippine National Police noong ika-26 ng Hulyo, umaabot na sa higit 3,450 ang bilang ng napatay sa mga operasyon na isinagawa ng pulisya laban sa iligal na droga na taliwas naman sa tala ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA), na aabot na sa 13-libong drug related killings sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 10,721 total views

 10,721 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 184,655 total views

 184,655 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 162,288 total views

 162,288 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 226,072 total views

 226,072 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 245,099 total views

 245,099 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top