Magdasal at maging handa sa pananalasa ng bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 488 total reads

Naka-alerto ang iba’t-ibang Social Action Centers ng Simbahang Katolika partikular na sa Luzon region dulot ng masamang panahon na dala ng Tropical Depression Maring.

Sa pakikipag-ugnayan ng Damay Kapanalig Program ng Radyo Veritas sa mga Social Action Center sa bansa, tiniyak ng ilang mga Pari ang kanilang patuloy na pagmomonitor sa mga kaganapan sa kanilang mga nasasakupan bagamat wala pa naman naitatalang insidente ng pangangailangan maliban sa ilang mga pagbaha.

Sa Virac Catanduanes, Sinabi ni Diocese of Virac Social Action Director Rev. Fr. Renato Dela Rosa na maganda na ang panahon sa kanilang lugar bagamat wala pa ring biyahe ng Roro papunta at paalis ng Isla.

“Normal naman po now ang weather condition mainit na. kahapon lang po whole day maulan. d naman nagdulot ng baha. wala pa rin byahe ang roro goin to our island and vice versa. hope mamaya maalis na ang signal warning para normal na rin.” Mensahe ni Fr. Dela Rosa.

Sinabi naman ni Laoag SAC Director Fr. Ronie Pillos at San Fernando la Union SAC director Sister Sonia Hernandez na hindi pa nila nararamdaman ang epekto ng bagyong Maring sa kanilang lalawigan ganun na rin sa San Fernado La Union.

“Sa ngayon po wala pa msyadong epekto ang bagyo, pray tayo lahat na malampasan uli natin tong bagyo.” Ani Fr. Pillos

Okay na okay po kami maganda ang sikat ng araw as of this time wala sign ng masamang panahon.” Mensahe mula kar Sr. Sonia ng La Union.

Sinabi naman ni Fr. Jayson Siapco ng Lipa Arcdiocesan Social Action Center na humupa na ang pagbaha sa ilang mga bayan ng Batangas matapos tumigil ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Suliranin naman ang trapiko sa Pampanga dulot ng pagbaha at patuloy na mga road constructions sa ilang pangunahing kalsada ng lalawigan.

“Still ok. ngayon lang umaga umulan though it is quite a heavy downpour, all roads passable, mahirap lang because of the many road constructions causing traffic jams.” Pahayag ni Gally Galla ng Social Action Center ng Archdiocese of San Fernando Pampanga.

Kaugnay nito umapela naman ng pagdarasal at patuloy na pagbabantay at pagtutulungan si Caritas Manila Disaster Risk Reduction and Response Priest Minister Rev. Fr. Ricardo Valencia para sa mga naapektuhan ngayon ng nasabing bagyo.

Batay sa impormasyon ng Philippine Atmospheric Geohysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, patuloy na mararanasan ang masamang panahon sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa Luzon ngayong araw dulot ng Tropical Depression Maring at Typhoon Lannie.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,849 total reads

 5,849 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 41,126 total reads

 41,126 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,610 total reads

 77,610 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,821 total reads

 95,821 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,840 total reads

 179,840 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 101,075 total reads

 101,075 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top