Ang Ating Luntiang Mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,240 total reads

Isa sa mga nakakapanglumong pangyayari sa ating henerasyon ay ang unti-unting pagkasira ng ating mundo.
Tumingin kayo sa inyong paligid; langhapin ang simoy ng hangin; tingnan mo ang mga puno sa iyong paligid. Ano ba ang estado ng iyong kapaligiran ngayon? Ano ba ang estado ng kalikasan natin ngayon?

Maraming mga siyentipiko ang nagsasabi na ang mundo natin ngayon ay unti unti ng namamatay.
Tingnan natin ang karagatan. Hindi ba’t umabot na sa kaibuturan ng dagat ang ating mga kalat? Ayon nga sa Ecowatch, isang environmental news site, ang nalikha nating mga plastic nitong nakaraang sampung taon ay higit pa sa nalikha noong nakaraang siglo. Ang masaklap, 50% ng plastic na nalilikha ay minsan lang natin gamitin. Pagkatapos, tinatapon na natin ito. Mga limang daan bilyong plastic bags din ang nalilikha sa buong mundo kada taon. Mga 500 hanggang isang libong taon bago magsimulang mabulok o madegrade ang mga ito. Binabara pa ng plastic ang ating mga daluyang tubig.

Ayon sa isang pag-aaral mula sa Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization ng Australia, halos lahat ng seabird ay nakakain na ng plastic ngayon. Delikado ito sa kanila kapanalig. Darating ang araw, maari silang maging extinct.

Ang ating luntiang mundo, kapanalig, ay lalong nagiging makulay dahil sa dami ng basurang ating tinatapon dito. Mga basura, gaya ng plastic, na matitingkad ang kulay, ngunit nakakamatay.
Isa sa mga ating dapat ipagdasal ngayon, lalo’t panahon ng undas, ay ang ating mundo. Nakaka-alarma kapanalig, ang estado ng ating mundo ngayon. Marami ng mga species ang nangamatay sa ating mga karagatan at kagubatan. Ang ating hangin, na dati’y sariwa, ngayon ay malansa, mausok, madumi. Kung hindi natin maagapan ito, baka ang tao na, tayo na, ang maging extinct.

Ang Laudato Si ni Pope Francis ay may paalala sa ating lahat. Ayon dito “Ang tao at ang kalikasan ay sabay nabubulok. Hindi natin sapat na malalabanan ang pagkasira ng ating mundo hanggat hindi natin haharapin ang kasiraan ng ating lipunan. Habang patuloy ang ating unti-unting pagbubukbok, may mga buhay na ang maagang nawawala: Ang buhay ng mga maralita (The human environment and the natural environment deteriorate together; we cannot adequately combat environmental degradation unless we attend to causes related to human and social degradation. In fact, the deterioration of the environment and of society affects the most vulnerable people on the planet… The impact of present imbalances is also seen in the premature death of many of the poor).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,153 total reads

 59,153 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,253 total reads

 138,253 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,698 total reads

 171,698 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,996 total reads

 206,996 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,119 total reads

 431,119 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,854 total reads

 37,854 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,742 total reads

 30,742 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top