Taong 2018, pagkakataon ng pasasalamat at paghingi ng kapatawaran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Magpasalamat sa nakalipas na taon, at ipagpasalamat sa Panginoon ang panibagong taon na isang magandang pagkakataon para sa pagbabago at pagkakaroon ng pag-asa.

Ito ang mensahe ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mamamayan sa pagpasok ng taong 2018.

“Isang pagkakataon ang bagong taon para magpasalamat. Kasi minsan ang dami nating natatanggap sa buong taon subalit hindi tayo nagkakaroon ng pagkakataon na huminto at magpasalamat sa Diyos sa buong taon ng 2017. Gayundin, it is a chance for us to say ‘sorry’ sa dami ng kasalanang nagawa sa Diyos at isat-isa,” mensahe ni Bishop Mallari.

Giit pa ng obispo, gamitin ding pagkakataon ang panibagong yugto ng ating buhay na magpatawad at humingi ng kapatawaran para sa magandang pagsisimula.

Noong nakalipas na Disyembre, binaril at napatay ng di pa kilalang mga armadong grupo si Fr. Marcelito Paez-isang pari mula sa Diocese ng San Jose.

Ayon kay Bishop Mallari, hangad nila ang pagpapatawad sa pumaslang sa pari, bagama’t mahalaga pa rin ang makamit ang katarungan sa kaniyang pagkakamatay.

“We forgive the killers. But we also find a way to able to solve the problem para hindi paulit-ulit na ginagawa. Kasi mahalaga rin na ‘we put a stop’ sa ganitong pagpatay, dahil mahalaga ang buhay ng tao. Mahalaga na tayo lahat ay magsama-sama, protektahan ang bawat isa, ang buhay to the last end,” ayon pa sa Obispo.

Una na ring kinondena ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija ang pagpatay kay Fr. Paez na kilalang nagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

Si Fr. Paez, 72 taong gulang ay nagsilbi sa Diocese ng San Jose, Nueva Ecija sa loob ng 32 taon at aktibong miyembro ng Rural Missionaries of the Philippines at ng Promotion of Church Peoples Response.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco, binibigyang halaga nito ang pagkikisalamuha at pagtulong ng mga pari sa kaniyang kapwa hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa mga usaping panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,984 total reads

 41,984 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 92,128 total reads

 92,128 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,999 total reads

 139,999 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,948 total reads

 243,948 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,898 total reads

 327,898 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top