Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpapatupad ng RA 9003, ikinadismaya ng Ecowaste

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total views

Ikinadismaya ng Ecowaste Coalition ang dami ng mga basurang tumambad sa kanilang grupo sa paglilibot nito sa mga pangunahing pasyalan at pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay Aileen Lucero – National Coordinator ng grupo, labis na nakalulungkot na hindi tunay na naipapatupad ng pamahalaan ang RA 9003 o Ecological Solidwaste Management Act dahil sa kabila ng maraming mga paaalala hinggil sa pagiging masinop ay nagkalat parin ang mga basura sa buong kamaynilaan.

Dagdag pa ni Lucero, nakalulungkot din na sa kabila ng Proclamation 760 s. 2014 na nagtatalaga sa buwan ng Enero bilang Zero Waste Month ay taun-taon namang sumasalubong sa mga tao ang tambak ng mga basura.

“Nakakalungkot dahil ang January ay considered as zero waste month dahil sa Proclamation 760, hindi nakakatuwa kasi January tapos ang bubungad sa atin ay basura.” Pahayag ni Lucero sa Radyo Veritas.

Dahil dito, nanawagan si Lucero sa mamamayan at sa mga nagtitinda sa mga pasyalan at pamilihan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na maging masinop at magkaroon ng pakialam sa kanilang kapaligiran.

Sinabi ni Lucero na hindi dapat iasa ng mga tao sa kolektor ng mga basura ang paglilinis ng mga lansangan dahil ang bawat mamamayan ay maytungkulin sa bayan at sa Diyos na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran.

“Sana yung mga nandito sa divisoria o sa mga markets mahalaga na sila rin ay [maging masinop] hindi yung mga nagtitinda ay itatapon nalang o kaya ay ikakalat nalang, syempre ang bawat isa ay may responsibilidad hindi lang yung ganun na ipapasa nila dahil meron namang mga dump trucks, hindi po ganun, dapat merong responsibilidad para pangalagaan yung kalikasan.” Dagdag pa ni Lucero.

Sa unang pagtataya ng Metro Manila Development Authority aabot sa 48 mga truck ng basura ang nahakot mula sa ilang pasyalan sa Metro Manila habang nakapagtala naman ng 45 truck ng basurang nahakot mula sa Divisoria.

Sa bahagi ng Simbahan muling ipinaalala ang mahalagang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical nitong Laudato Si na iwaksi ang throw-away culture o pagiging maaksaya na dahilan ng pagdami ng kalat sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 57,461 total views

 57,461 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 124,949 total views

 124,949 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 146,014 total views

 146,014 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 167,565 total views

 167,565 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 200,411 total views

 200,411 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 337,524 total views

 337,524 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top