Green brigade, titiyaking malinis ang Traslacion 2018

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total reads

Tiniyak ni Father Ric Valencia, Head Minister ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry ang patuloy na “Green Formation” ng Simbahan sa mga mananampalataya partikular na sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na panatilihin ang kalinisan tuwing isinasagawa ang traslacion.

Ayon sa pari, mayroong Green Brigrade na isang grupo na binuo ng Quiapo Church upang magpaalala sa mga tao at tiyakin na magiging malinis ang dadaanan ng prusisyon.

Inihayag ni Father Valencia na ngayong taon ay mahahati sa dalawang grupo ang Green Brigade na titiyak na maging malinis ang dadaanan ng prusisyon at ang ikalawa naman ay upang muling linisin ang naiwang kalat sa oras na makadaan na ang prusisyon.

“Isa sa mga ginagawa na ng Quiapo Church noon pa man ay ang pag-organize ng Green Brigade. For example, yung nakaraang procession ng Thanksgiving, sila ang nauuna sa paligid upang tignan yung mga ruta ng dadaanan ng prusisyon, nililinis na po nila yun. And then pagkatapos ng procession, babalik sila para linisin ulit. May mga nauuna at may sumusunod sa prusisyon.” Pahayag ni Father Valencia sa Veritas.

Samantala, tinukoy ni Father Valencia na hindi masosolusyunan ang suliranin sa mga nagkalat na basura kung hindi maitutuwid ang pag-uugali ng mga tao.

Aminado ang pari na nahihirapan sila sa pangangaral sa mga tao subalit hindi tumitigil ang simbahan sa pagtuturo sa bawat isa ng responsableng pagtatapon ng mga basura.

“Ang problema kasi ng basura o yung hindi tamang ayos ng mga basura ay mainly because of the mindset… Pero ang maa-assure ko na hindi tumitigil at hindi tayo nagpapabaya sa pag-educate ng mga kababayan. Ang problema lang talaga dahil sa dami naman nila ay kung minsan mayroon din namang napaka-iresponsable.” Dagdag pa ng Pari.

Kaugnay dito, umapela si Father Valencia sa mga nais mag-volunteer na tumulong sa paglilinis ng inaasahang tone-toneladang basura na maiiwan sa traslacion.

Ayon sa pari ang pagpupulot ng mga basura ay isang mapagpakumbabang gawain at dito din mas maipamamalas ng isang tao ang kanyang debosyon at paggalang sa kapaligiran na nilikha ng Panginoon para sa sangkatuhan.

“Welcome ang mga grupo na gustong mag-participate [sa paglilinis] bilang debosyon din nila. Itong paglilinis ay isa sa pinakamalalim na ekspresyon ng ating pananampalataya. Maybe it’s humble but it is very powerful because it’s being grateful to the Creator who has given us the best as he can and particular his only son… So our attitude towards these gifts is also our act of gratefulness to the Creator.” Pagbabahagi ni Father Valencia.

Noong 2017 umabot sa 65 mga truck ng basura na katumbas ng 341.29 tons ang nahakot simula January 7 hanggang 10, halos kalahati ang itinaas ng bilang na ito kumpara sa 172.29 tonelada ng basurang nahakot noong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 55,152 total reads

 55,152 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 104,406 total reads

 104,406 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 152,277 total reads

 152,277 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 256,226 total reads

 256,226 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 339,548 total reads

 339,548 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,994 total reads

 41,994 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,874 total reads

 34,874 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top