Deboto, inaasahang dadagsa sa traslacion ng Poong Hesus Nazareno sa Diocese ng Tagum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total views

Inaasahan ng Diocese of Tagum na madodoble ang mga deboto na dadagsa sa kanilang isasagawang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno.

Inihayag ni Rev. Fr. Emerson Luego, Kura Paroko ng Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Tagum City na mula sa 10,000 deboto na nakiisa noong nakalipas na taon ay maaari pa itong madoble o matriple sapagkat dumarami na ang nagde-debosyon mula sa karatig lalawigan ng Davao del Norte.

Dahil dito, inaasahan ni Father Luego na maaring umabot ng 4 hanggang 5-oras ang Traslacion sa lalawigan mula sa 3-oras na prusisyon noong nakalipas na taon.

Tiniyak ng pari na nakahanda o all set na ang Diocese of Tagum para sa ikalawang Traslacion na isasagawa para sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

“We are expecting na marami talaga bukas at hinahanda na namin yung security concern, nakadetalye din yung seguridad at saka yung sa traffic all set na din na bawat mga kalye may patrol cars at saka ambulance, nakikipag-coordinate din kami sa iba’t ibang grupo ng disaster team namin so in place na po lahat, reading ready na kami.” pahayag ni Father Luego sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Pari, taong 2016 ng unang bumisita sa Diocese of Tagum ang imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula sa Quiapo Church ay dinagsa ito ng mga deboto mula sa buong Mindanao partikular na mula sa Butuan, General Santos, Cotabato at Agusan del Norte.

Taong 2017 ng unang isinagawa ang Traslacion sa Diocese of Tagum matapos na magkaloob ng imahen ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang Quiapo Church na naglalayong mas maipalapit ang debosyon sa mga deboto ng Poong Nazareno sa mga taga-Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 103,749 total views

 103,749 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 126,908 total views

 126,908 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 148,182 total views

 148,182 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 309,924 total views

 309,923 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 5,093 total views

 5,093 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top