Ulila at balo ng EJK victims, dapat tumindig at ipagpatuloy ang buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 377 total views

Hinimok ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga naulila ng mga biktima ng extra-judicial killings kasabay na rin ng war against drugs campaign ng pamahalaan na tumindig at ipagpatuloy ang buhay.

Sa homiliya ni Bishop David sa misang isinagawa sa San Ildefonso Parish sa Navotas, sinasabi sa bibliya na ang mga ulila at balo ang itinuturing na pinakadukha na siya ring nagaganap na katotohan sa kasalukuyang panahon.

“Huwag ninyong ituring na biktima ang sarili ninyo. Kaya kayo naririto, kaya kami nakikiisa sa inyo ay upang ipahayag sa inyo na may bukas pa. hindi pa tapos ang buhay para sa inyo. Kaya naririto ang komunidad para akayin kayo, samahan kayo at magpahayag ng anumang malasakit na kailangan upang kayo ay mag-survive,” ayon kay Bishop David.

Ang parokya ng San Ildefonso Parish sa Navotas ay nagsasagawa na ng pakikipag-ugnayan sa mga naulila at balo ng mga pinatay para tulungan sa kanilang paghilom, maging kaakibat sa kanilang kabuhayan at pagpapaaral sa mga naiwang mga anak.

“Sa susunod na tawagin kayo na victims of killings. Sabihin nyo hindi po kami victim, ang kaanak naming pinatay sila ang victim, kami survivor. At iyon ang intensyon namin maging survivor. Oo, parang nahinto ang buhay. Pero hinde, hindi pa tapos ang buhay…magpapatuloy kayo. Kailangan lamang baguhin ang pananaw sa buhay,” dagdag pa ng Obispo.

Sa kasalukuyan ay may anim na pamilya na ang nakiisa sa programa ng simbahan sa San Ildefonso.

Karamihan sa mga napaslang ay pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin na pawang mga naka-bonnet.

Kabilang sa anim na biktima ay ang 16-anyos na lalaki na apat na ulit binaril sa harap ng kanilang bahay ng anim na kalalakihan. Tinangka rin ng mga salarin na paslangin ang bagong panganak nitong maybahay.

Nananawagan din ang Obispo sa mga pumapatay na magbago na rn ng pananaw at iwaksi na ang kasamaan sapagkat wala mang nakakita sa kanilang ginawang pagpatay ay kilala sila ng Panginoon.

“Kahit takpan ang mukha kilala kayo ng Diyos. Habag may panahon talikuran ang gawaing masama. Naniniwala kaming walang taong likas na masama,” ayon pa sa obispo.

Una na ring nagpahayag ng pangamba si Bishop David na ibalik sa PNP ang kampanya kontra droga dahil sa dami ng mga napaslang kabilang na dito ang 4,000 napatay sa police operations habang wala pa ring pag-usad sa mga kaso ng mga death under investigation (DUI).

Sa nakalipas na taon nang maglunsad ang mga simbahan sa bansa ng community based drug rehabilitation para tulungan na makapagpanibago ang mga nalulong sa masamang bisyo

Una na ring nag-organisa ang simbahan ng mga community based drug rehabilitation kabilang na dito ang Salubong ng Diocese ng Caloocan; Sanlakbay ng Archdiocese of Manila; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; ang Labang ng Archdiocese of Cebu at ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na 27 taon nang nagbibigay ng programa para sa lulong sa masamang bisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 16,736 total views

 16,736 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 86,848 total views

 86,848 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 161,463 total views

 161,463 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 241,541 total views

 241,541 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 284,087 total views

 284,087 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top