Buksan ang tahanan sa evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Nananawagan ang Diocese ng Legazpi sa mamamayan ng Albay na buksan ang tahanan para sa mga lumilikas na residenteng apektado ng pagliligalig ng bulkang Mayon.

Ang Hararung na Pagrangan sa Orag o Harong (bahay) program ay nangangahulugan sa tagalog na ‘malalim na pagkalima sa mga nangangailangan’ na unang inilunsad noong 2014, ang pinakahuling naitalang pagsabog ng Mayon.

“Ito ay isang volunteer shelter program in private homes. Una nang nagbukas ang mga parokya Kinakampanya po natin, lalu na sa mga residence surrounding or nearby evacuation centers na magpatuloy sa mga evacuees sa kanila para ma-decongest at maimprove ang well being ng mga evacuees lalu na sa most vulnerable affected population,” paliwanag ni Fr. Arjona.

Una na ring nagbukas ng kanilang pintuan ang mga parokya sa diyosesis na siya ngayong nangangalaga sa mga matatanda, buntis, may mga batang maliliit at mga may kapansanan na evacuees.

Sa kasalukuyan-umaabot na sa higit 8,000 ang mga lumikas o katumbas ng 34,000 indibidwal na inaasahan pa ang pagtaas ng bilang lalu’t kinakikitaan pa ng patuloy na lava flow ang bulkan.

Bukod sa mga pagkain, sinabi ni Fr. Arjona na sa kasalukuyan ay nangangailan sila ng mga kumot, banig, at kulambo para sa mga evacuees.

“Mas nauna na ring may ginagawa ang mga parokya. Nagsimula na sila ng soup kitchen at nagbukas na rin sila ng kanilang facilities- churches, pastoral centers para sa mga mas vulnerable na evacuees yung mga pregnant and lactating mothers, PWD’s, elderly,” ayon pa kay Fr. Arjona.

“What we are doing in Social Action ay we are securing for blankets and mosquito nets especially dahil maulan at malamig at sleeping mats ito ngayon ang aming priority at this time. So humihingi din kami sa mga tao kung mayroon kayong mga ganito, huwag munang clothes,” ayon kay Fr. Arjona.

Una na ring nagbabala ang Phivolcs na nanatili ang banta ng pagsabog ng Mayon na maaring maganap sa loob ng ilang araw o ilang linggo.

Hiniling din ni Fr. Arjona sa mga residente ang pahahanda at patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,186 total reads

 35,186 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,691 total reads

 71,691 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,902 total reads

 89,902 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,230 total reads

 174,230 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,007 total reads

 210,007 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,190 total reads

 378,190 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top