Huwag magtago sa panawagan ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 419 total reads

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, ang panawagan ni Hesus ay hindi para sa ating kapamahakan kundi upang makasama at maging katuwang sa pagmimisyon.

Umaasa si Cardinal Tagle na ang pakay ng ating paghahanap sa araw-araw ay ang paghahanap ng katuwang para gumawa ng kabutihan sa kapwa at hindi para sa kasamaan.

“Hanapin natin ang mga nalulumbay, hanapin natin ang mga walang kaibigan. Hindi para sisihin pa! Hindi para yurakan, hanapin natin para tulad ni Hesus masabi natin gusto kitang kasama at magsama tayo sa paggawa ng kabutihan. Samahan mo ako para maipahayag ng Mabuting Balita,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ang mensahe ni Cardinal Tagle ay kaugnay sa street mass ng St. John Bosco Parish Makati sa Zone 7 bilang paghahanda sa kapistahan ni St. John Bosco.

“Iyan po ang isa sa espiritwalidad ni St. John Bosco. Hinahanap nya, katulad ni Hesus ang mga bata na baka hinahanap din ng masamang impluwensya! Kaya siya na ang hahanap sa kanila. At sa pamamagitan ng pagmamahal ng isang ama at sa pagtuturo sa kanila ng pananampalataya napakaraming nakatagpo kay Hesus,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Tulad ni St. John Bosco, hinanap nito ang mga kabataan para makatagpo si Hesus.

Hinikayat din ni Cardinal Tagle ang mga kabataang babae at lalaki na pakinggan ang tawag ni Kristo lalu na sa pagpasok sa bokasyon ng pagmamadre at pagkapari nang maging katuwang ni Hesus sa pagmimisyon.

“Kapag tinawag ang pangalan, makinig. Ibig Niya kayong makasama para mabuhay tayo sa Kaniya at makapiling sa kaniyang misyon,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ang ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons: Renewed Servant Leaders’ na bahagi ng paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Una na ring inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kabilang sa tatalakayin sa pulong ng mga obispo ang inilabas na panuntunan ng Vatican para sa seminary ang ‘Ratio Fundamentalis Institutionis Sacerdotalis’ o ‘The Gift of Priestly Vocation’ na gaganapin sa Cebu City ngayong Enero.

Umaasa din si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na malaki ang maitutulong nito para mapag-ibayo ang bokasyon sa bansa na tinatayang may higit sa 10,000 mga pari base na rin sa tala ng 2017 Catholic Directory.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 218,231 total reads

 218,231 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 252,904 total reads

 252,904 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 268,804 total reads

 268,804 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 305,295 total reads

 305,294 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 310,935 total reads

 310,934 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top