Makiisa sa dasal at ayuno laban sa Cha-Cha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total views

Inaanyayahan ni Father Robert Reyes – Spokesperson ng grupong Gomburza ang mamamayan na makiisa sa kanilang pagdarasal at pag-aayuno sa People Power Monument.

Ayon sa pari ito na ang ika-anim na araw na sila ay nananalangin at hindi kumakain upang ipakita ang kanilang pagsusulong sa iba’t-ibang suliraning panlipunan.

Nanawagan na din ang pari na kung maaari ay magkaroon din ng pag-aayuno at dasal sa ibang bahagi ng bansa upang patuloy na maipangalangin ang kabutihan ng Pilipinas.

“Aabot ang pag-aayuno at dasal sa gabi ng Pebrero 25 sa linggo, pero pwede kaming manawagan na [kung maaari ay] ipagpatuloy ng iba’t-ibang grupo sa iba’t-ibang lugar ang dasal at pag-aayuno kasi nandyan yung banta ng Charter Change. Kaya ang kompletong pangalan ng kampanya ay Dasal at Ayuno Laban sa Cha-Cha para sa demokrasya. Nanganganib po ang demokrasya pagpinalitan itong constitution ng 1987 at kung ang ipapalit nila ay hilaw at napaka raming probisyon dyan na hindi katanggap-tanggap.” pahayag ni Father Reyes.

Sa kasalukuyan kabilang sa mga nag-aayuno ang limang mga magsasaka, dalawang pari at isang madre.

Nagsimula ang pagkilos na Dasal at Ayuno noong ika-17 ng Pebrero, at layunin nito na mag-alay ng panalangin sa loob ng 9 na araw sa mismong People Power Monument na sumisimbolo sa naging pagkakaisa ng sambayanan Pilipino upang labanan ang diktadurya 32-taon na ang nakakalipas.

Kaugnay nito ilan sa mga paksang isinusulong ng grupo ang mga usapin ng Human Rights; kalagayan ng kalikasan, mga katutubo; mga mangingisda, mga magsasaka sa ilalim ng Agrarian Reform; labor Issues; Youth; Women and Gender; Soberenya; kalagayan ng mga mahihirap at ang umiiral na demokrasya sa ating bansa.

Nilinaw naman ni Father Reyes na ang pagkilos ay hindi lamang para sa mga Katoliko’t Kristyano kundi bukas rin sa mga mamamayan mula sa ibang relihiyon na mayroong parehong paninindigan at panalangin para sa kaayusan at kapayapaan ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 40,531 total views

 40,531 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 73,613 total views

 73,613 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 101,964 total views

 101,964 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 169,696 total views

 169,696 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 189,995 total views

 189,995 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 353,922 total views

 353,922 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top