Simbahan, magpapakita ng show of force para sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Malaking delegasyon ng mga layko ang inaasahang dadalo sa isasagawang Walk for Life sa February 24 sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Sangguniang Layko ng Pilipinas president Marita Wasan, magpapadala ng kinatawan ang mga diyosesis na nakapaloob sa ecclesiastical province ng Manila.

“Manindigan tayo para sa buhay sa Walk for Life at ipakita natin yung ating ating puwersa, ang ating pagkakaisa dahil nagising na tayo,” ayon kay Wasan.

Kabilang sa mga usapin na tinututulan ng grupo ang same sex marriage, abortion, divorce, death penalty at ang Charter Change.

Ang pagtitipon ay magsisimula ng alas-4 ng umaga at susundan ng isang misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Magsasagawa rin ng kaparehong pagkilos ang Archdiocese ng Cebu, Archdiocese of Cagayan de Oro, Diocese ng Tarlac at Diocese ng San Pablo.

Noong nakaraang taon may higit sa 20,000 katao ang nakiisa sa Walk for Life kung saan pangunahing usapin na tinutulan ay ang war against drugs ng pamahalaan na nagresulta sa mga extra judicial killings.

Sa tala ng mga human rights advocates, higit sa 13,000 ang napatay na iniuugnay sa illegal na droga at may 4,000 katao rin ang napatay sa mga isinagawang police drug operations.

Una na ring nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi pagpaslang ang dapat na tugon sa illegal drugs kundi ang pagpapanibago sa mga nalulong sa masamang bisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 29,233 total reads

 29,233 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 80,233 total reads

 80,233 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 128,104 total reads

 128,104 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,052 total reads

 232,052 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 316,695 total reads

 316,695 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top