Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taumbayan, hindi makikinabang sa Charter Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total views

Hindi kapakanan ng mga mga mamamayan ang prayoridad ng mga mambabatas sa pagsusulong ng Charter Change kundi ang kanilang mga pansariling interes, kanilang mga posisyon at katungkulan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Teresita Alo, SFIC isa sa mga madreng miyembro ng Gomburza na mariing tumututol sa charter change.

Iginiit ng Madre na ang pananatili ng political dynasty ang isang batayan sa pagiging gahaman ng mga politiko sa posisyon at kapangyarihan kung saan ang mga mahihirap ang magdurusa sa negatibong resulta ng pag-amyenda sa 1987 Constitution.

“It will not really benefit our people and then of course dynasty system will go on and then this is really perpetuation of power kasi ayaw nilang bumaba sa kanilang mga posisyon dahil malaki ang advantage na nakukuha nila at the expense of the poor so talagang strongly we are going to protest against Cha-Cha” pahayag ni Sr. Alo sa panayam sa Radyo Veritas.

Naninindigan ang Madre na isa mga key player ng EDSA 1 na lalong paigtingin ang pagtutol sa planong pagpapalit ng Saligang Batas upang bigyang daan ang Federalismo na ninanais ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Paliwanag ni Sister Alo, mabigat ang implikasyon sa mga mahihirap ng pagpapalit ng Saligang Batas sapagkat tanging ang mga mayayaman at mga nasa posisyon lamang ang makinabang dito.

“Labanan ang Cha-Cha hindi namin pwedeng pahintulutan na maipasa ang Cha-Cha kasi mabigat ang implikasyon niyan sa mga mahihirap lalong lalo na kasi nakapaloob diyan yung Federalismong nais isulong ng ating Presidente Duterte ito’y pagpapahirap lamang sa mga mahihirap ang it will perpetuate the power that is already there in government” Dagdag pa ni Sr. Teresita Alo.

Kaugnay nito, inihayag ni Rev. Fr. Robert Reyes – Spokesperson ng Gomburza na kanilang paiigtingin ang pagkilos para tutulan chacha.

Matatandaang pinangunahan ng Gomburza ang 9 na araw na pagdadasal at pag-aayuno na Dasal at Ayuno Laban sa Cha-Cha, Para sa Demokrasya upang ipahayag ang pagkundina sa isinusulong na pag-amyenda ng mga mambabatas sa Saligang Batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 57,724 total views

 57,724 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 125,212 total views

 125,212 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 146,277 total views

 146,277 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 167,812 total views

 167,812 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 200,635 total views

 200,635 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top