Ecowaste coalition, dismayado sa tambak na basura sa mga pilgrims site

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total views

Ikinadismaya ng Ecowaste Coalition ang tambak ng basura sa mga kilalang pilgrim sites sa nakaraang mahal na araw.

Ayon kay Daniel Alejandre, zero waste campaigner ng grupo, tahasang pagpapakita ng kawalang paggalang ng mga mananampalataya sa ginugunitang pagpapakasakit at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang iniwang tambak na basura.

Kabilang sa mga lugar na nasiyasat ng grupo ang ilang mga Simbahan sa Bulacan at ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.

“Just like in previous years, the Lenten pilgrimage to both religious sites left a trail of trash that is totally unbefitting of the spiritual journey that many devotees do to affirm their faith, ask forgiveness for past wrongs and give thanks for blessings received,” pahayag ni Alejandre.

Karamihan sa mga basurang nagkalat na nakolekta ng grupo sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ay mga dyaryo, karton, mga plastic na bote at kainan, mga tirang pagkain at upos ng sigarilyo.

Sa kabila nito umaasa pa rin ang grupo na sa patuloy na pagbibigay aral sa mga mananampalataya ay maisasabuhay din nito ang tunay na saloobin ng Panginoon sa bawat mananampalataya na pangalagaan ang sanlibutang tinubos ni Hesukristo mula sa mga kasalanan.

“We surely are not happy with what we saw, but hope springs eternal in the human heart. We therefore reiterate our appeal to the faithful to care for Mother Earth, sustainer of all life, as they fulfill their religious vows. Faith-inspired endeavors should set a higher benchmark for environmental stewardship,” dagdag pa ni Alejandre.

Sang-ayon naman sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, hindi pag-aari ng mga tao ang lupain ng daigdig at bagkus ang bawat isa ay mga tagapangasiwa lamang na may tungkuling magpanatili, mahalin at pangalagaan ang likas na pinagkukunang yaman ng mundo para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 251 total views

 251 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 26,707 total views

 26,707 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 77,391 total views

 77,391 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 83,501 total views

 83,501 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 112,724 total views

 112,724 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 322,503 total views

 322,503 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top