Kapayapaan, hangad ng Obispo ng Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 353 total reads

Kapayapaan sa Marawi City ang hangad ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesu Kristo.

Ayon sa Obispo, tulad ng pangarap ng bawat Maranao inaasam din nila ang muling pagbabalik sa Marawi lalu na yaong nakatira sa ‘ground zero’ na siyang pangunahing nasira ng limang buwang digmaan noong nakalipas na taon.

“Pangmatagalan at tuloy-tuloy na kapayapaan dito sa lugar namin sa Marawi at makabalik na ang aming mga residente dito lalu na sa ground zero at sana magkaroon ng mapayapang reconstruction at rehabilitasyon ng siyudad,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Sinabi ng Obispo, ito rin ang ginagawa ng bawat isa na pagtulong-tulungang tumayo sa sariling paa mula sa karahasan at pagkasira na dulot ng digmaan.

“It is something that we all have to work together of course. Sa panig naman natin yun naman ang ating layunin at pinagpapaguran sa ngayon na maitayo natin ang ating siyudad at ang sambayanang kristiyano kapiling ng mga Muslim mapayapa ang pagbabalik at pagtatayo at pamumuhay ng aming mga tao dito sa Marawi,” ayon pa sa Obispo.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bishop Dela na pinahihintulutan pa lamang ang mga residente sa ‘ground zero’ na dalawin ang kanilang bahay subalit hindi pa rin pinapayagang makabalik dahil hindi pa natatapos na clearing operation ng militar.

“Simple lang ang aming hangarin sa buhay na makabalik na maayos, mapayapa at makapagsimula na kaming mamuhay ng mapayapa at makatayo sa sariling paa,” ayon pa sa Obispo.

Tinatayang higit sa 300,000 mga residente ang lumikas mula sa 96 na barangay ng Marawi sa nakalipas na digmaan kung saan umabot sa 1,000 ang nasawi kabilang na dito ang mga pulis, sundalo, terorista at mga sibilyan.

Ang ground zero ay binubuo ng 24 na barangay sa Marawi na naging sentro ng digmaan noong Mayo 2017 kung saan kabilang din dito ang kinaroroonan ng St. Mary’s Cathedral at ang bishop’s residence.

Ang katedral ng Prelatura ng Marawi ay unang itinatag noong 1934 na kabilang sa pangunahing nasira sa ‘Battle of Marawi’ na nilapastangan ng mga miyembro ng Maute-ISIS group sa kasagsagan ng digmaan at nabawi naman ng militar noong August 2017.

Noong October 1 sa kauna-unahang pagkakataon nang ipagdiwang ang misa sa nasirang St. Mary’s Cathedral na dinaluhan ng may 300 pulis at militar na nataon sa kapistahan ni St. Therese of Lisuex ang patron ng mga sundalo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,489 total reads

 9,489 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,502 total reads

 44,502 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,986 total reads

 80,986 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,197 total reads

 99,197 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 183,026 total reads

 183,026 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top