Pilipinas, nahaharap sa “Crisis of Truth”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 929 total reads

Ito ang pagninilay at buod ng Circular letter ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari at Communities of Consecrated Persons sa pagdiriwang ng Simbahan sa “Solemnity of the Ascension“.

Sinabi ni Cardinal Tagle na hindi maitatanggi na ang mga Filipino ay nahaharap sa krisis ng katotohanan kung saan hindi na matukoy o mapagtanto kung ano ang totoo at fake news.

“Dear Brother Priests and Communities of Consecrated Persons, As we celebrate the Solemnity of the Ascension, we cannot deny that we are facing a crisis of truth. It is almost impossible for us ordinary citizens to know which news is true and which is fake.” bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle

Ikinababahala ni Cardinal Tagle ang magkakasalungat na interpretasyon ng mga eksperto sa Saligang Batas, na aniya ay nagbubunga ngayon ng pagdududa, kawalan ng tiwala at pagkakahati-hati.

“Experts in the constitution give us conflicting interpretations of basic questions of law. The crisis of truth has sown seeds of suspicion, mistrust and fragmentation.” pahayag ni Cardinal Tagle

Iginiit ng kanyang Kabunyian na ang “partisan politics” ay nagiging political “tribalization” kung saan unang naisasakripisyo ang kabutihan sana ng nakararami.

“Partisan politics has turned into political “tribalization”.The common good is one of the first casualties.” bahagi ng circular ni Cardinal Tagle

Kaugnay nito, hinimok ni Cardinal Tagle ang lahat na makiisa sa tinawag niya na “Feasts of truth and love” sa loob ng 12 araw, na magsisimula sa ika-20 ng Mayo, Pentecost Sunday, hanggang sa ika-31 ng Mayo, kung kailan ipinagdiriwang naman ng Simbahan ang kapistahan ng pagbisita ng Birheng Maria sa pinsan na si Elizabeth – mga selebrasyon na nagbibigay-halaga sa katotohanan at pag-ibig.

Ipinaliwanag ng Cardinal na ang hakbang na ito ay bilang tugon sa pagkalat ng fake news at magkakasalungat na katotohanan.

Gagawin ito sa pamamagitan ng 12 araw na pagpapatunog ng kampana sa lahat ng simbahan sa Archdiocese of Manila tuwing alas-3 ng hapon bilang paggunita sa pagkamatay ni Hesus at para hilingin sa Diyos ang pagpapadala ng Banal na Espiritu na magbibigay ng gabay sa mamamayan tungo sa katotohanan sa panahong ito.

Pagkatapos ng pagpapatunog ng mga kampana, sabay-sabay na dadasalin ang Chaplet of the Divine Mercy sa lahat ng simbahan, kapilya, kumbento, paaralan, opisina at tahanan.

Hiniling din ni Cardinal Tagle ang pagpapalakas ng mga programa na nagbibigay-halaga sa pagbabahagi; at nagsusulong ng mga gawain para sa ikabubuti ng nakararami, at sa pagpapanumbalik ng tiwala at pagkakasundo.

Hinikayat din ng Cardinal ang lahat na sabayan ng pag-aayuno ang mga gawaing ito bilang sakripisyo at pagpapahayag ng paninindigan para sa katotohanan.

 

Read:  Cardinal tagle calls for days of prayer, fasting and education for truth

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,423 total reads

 55,423 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,789 total reads

 134,789 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,234 total reads

 168,234 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,532 total reads

 203,532 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,829 total reads

 427,829 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,565 total reads

 297,565 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,663 total reads

 408,663 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top