Dalawang oras na silence, i-aalay ni Father Soganub sa unang anibersaryo ng Marawi Siege

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

Lubos ang pasasalamat ni Father Tereisto “Chito” Soganub sa lahat ng kanyang karanasan isang taon na ang nakalilipas mula nang sumiklab ang digmaan sa Marawi City.

Ayon sa pari, sa kabila ng lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan kasama ang iba pang mga na hostage ng teroristang grupo na Maute, ay kailan ma’y hindi siya iniwan ng Panginoon.

Naniniwala siya na lahat ng kanyang pinagdaanan ay may dahilan, at kaloob ng Panginoon na siya ay maging survivor at makapagbahagi ng kanyang buhay.

“Para sa aming celebration bukas, ang unang-una kong gagawin, magbibigay ako ng dalawang oras na in silence, my personal prayer bukas, magpapasalamat na ginawa Niya akong isa sa mga survivor at kahit hindi ko na makayanan yung mga pangyayari nagawa at nakaya ko dahil kahit gano pa man kahirap sinamahan ako ng Panginoon,” bahagi ng pahayag ni Father Soganub sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan naman si Father Soganub sa mga doctor, psychologist at mga psychiatrist na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng giyera lalong lalo na sa mga bata, matatanda at tulad niyang na hostage ng Maute Terrorist group.

Ayon kay Father Soganub, bagamat kung titignan ay mukhang maayos na ang kalagayan ng mga naging hostage, ay may nananatili pa rin ang takot at trauma sa kanilang mga puso at isip.

Inamin ng pari na maging siya ay nakararanas pa ng mga masasamang panaginip kung saan bumabalik ang mga alaala ng giyera at ito ang palatandaang tunay na malalim ang pinsalang idinulot sa kanila ng karanasan sa digmaan.

“Hindi naman bago kung umiiya pa, bumabalik pa sa isipan sa panaginip ang mga nangyayari, kasi deep seated talaga yung trauma, yung experiences horrible, horrific at unimaginable kaya palatandaan yun na malalim talaga yung sugat, babalik-balik yun, pero sa takbo ng panahon at sa mga ginagawang interventions ay unti-unti malalabanan yan magagawan ng paraan paanong yung fear, hindi magkontrol sa sarili, kaya yung fear na mararanasan, magawan ng paraan para ma-manage.” Dagdag pa ng Pari.

Matatandaang ika-23 ng Mayo nang sumiklab ang digmaan sa Marawi City sa pagitan ng sandatahang lakas ng Pilipinas at ng Maute terrorist group.

Isa si Father Soganub sa mahigit isang daang naging hostage, at nagdusa ng 117 araw sa kamay ng mga kalaban, bago nagkaroon ng pagkakataong makatakas.

Bilang paggunita sa kanilang karanasan isang taon na ang nakalilipas, magdaraos si Father Soganub ng isang Banal na Misa sa kanyang bayan sa Norala, South Cotabato. Ayon sa pari ito ang alay niyang pasasalamat sa panibagong buhay na ipinagkaloob ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 171,645 total views

 171,645 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 149,278 total views

 149,278 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 213,406 total views

 213,406 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 233,252 total views

 233,252 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 153,246 total views

 153,246 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 317,848 total views

 317,848 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top