Mahihirap na Filipino, apektado ng TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Higit na apektado ang mga mahihirap sa bansa.

Ito ang inihayag ni Senator Paolo Benigno Aquino IV ang Chairman, Senate Committee on Science and Technology kaugnay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ng mga pangunahing bilihin dulot ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Paliwanag ng Senador bagamat marami ang maikokonsederang dahilan sa pagtaas ng presyo ng produktong langis ay hindi rin maitatanggi na nakadadagdag ang TRAIN Law sa pagtaas nito.

Ayon kay Aquino, dapat gumawa na ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“Itong pagtaas ng presyo ng mga bilihin itong pagtaas ng presyo ng petrolyo yung pinaka natatamaan po sa TRAIN Law ay iyong mga mahihirap po nating mga kababayan. Hindi naman puwedeng ipagkaila na pag-itinaas po yung presyo ng gasoline, ng diesel at ng kerosene ay talagang magtataas po yung presyo ng bilihin. Maraming rason kung bakit tumataas ang presyo ng Petroleum products unang una diyan worldwide prices. Pangalawa po yung exchange rate natin pero sabi ko nga po doon sa nakaraang hearing noong nakaraang linggo ay meron tayong kontrolado at hindi kontrolado.” pahayag ni Senador Aquino sa panayam ng Radio Veritas. Tinututukan ngayon ng mambabatas ang pagsuspende ng TRAIN Law.

Batay sa panukala, kung lalampas sa inflation rate range ay aalisin ang idinagdag sa presyo ng langis na tinatayang hanggang 3 piso.

Magugunitang sinabi noon ng Department of Finance na hindi lalampas sa 4-percent ang inflation rate kapag naipatupad ang TRAIN Law ngunit sa kasalukuyan ay umaabot na sa 4.4-percent ang inflation rate sa bansa.

Una nang itinuring ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na pabigat sa mamamayan ang TRAIN Law dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa na karaniwang kinokonsumo ng mga ordinaryong mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,617 total reads

 5,617 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,902 total reads

 40,902 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,386 total reads

 77,386 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,597 total reads

 95,597 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,637 total reads

 179,637 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top