Mga OFW, ligtas sa Kuwait

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,710 total reads

Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers na nanatili sa Kuwait sa kabila nang nakaraang ban na ipinatupad ng pamahalaan.

Ayon kay Father Resty Ogsimer, Executive Secretary ng komisyon, personal niyang binibisita ang mga Filipinong nagtatrabaho sa Kuwait, simula pa noong unang araw ng Mayo na pagdating niya sa bansa at hanggang sa unang linggo ng Hunyo.

Sinabi ni Father Ogsimer na iginigiit ng mga OFW na maayos ang trato sa kanila at hindi nila nais mawalan ng trabaho at bumalik ng Pilipinas.

Dagdag pa ng pari, sa ikatlong pagkakataon na bumisita siya sa Kuwait, ay naobserbahan nitong karamihan lamang sa mga nagkakaroon ng masamang karanasan sa trabaho ay ang mga Filipino Domestic Helpers.

  Pahayag ni Father Ogsimer sa Radyo Veritas.

Bukod dito, naobserbahan din ni Father Ogsimer na ang mga employer na edukado at nakapag-abroad ay karaniwang mas mabuti sa kanilang mga kasambahay kumpara sa ibang employer na makailang beses nang tinatakasan ng kanilang mga kasambahay.

“Yung observation dito, just like anywhere else. Ang mga employers na well educated, nakalabas ng ibang bansa, nakaranas manirahan sa ibang bansa, they’ll treat their employees well, ang kanilang domestic helpers tinatrato na parang kapamilya nila, they take care of him. Ang problematic areas, ang household na may problema, ito yung mga, they’re not qualified to hire a domestic helper, may pattern na tinatakasan sila ng kanilang ward, tinatakasan ng kanilang helper because hindi maganda ang trato.”  Dagdag pa ng Pari.

Sa kabila nito, malaki ang inaasahan ni Father Ogsimer na magbabago ang pagtrato sa mga domestic helpers sa oras na maisapinal na ang Memorandum of Understanding ng Kuwait at ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Labor and Employment, tinatayang 252,000 ang kabuuang bilang mga residing OFWs sa naturang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 4,571 total reads

 4,571 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 39,911 total reads

 39,911 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 76,395 total reads

 76,395 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 94,606 total reads

 94,606 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 178,701 total reads

 178,701 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,301 total reads

 378,301 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top