Librong Courage, inaasahang magbibigay inspirasyon sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Inilunsad ng Jesuit Communications Foundation ang aklat na pinamagatang “Courage!”, na naglalayong patingkarin ang kahalagahan ng katapangan at kagitingan sa gitna ng anumang pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas.

Ayon sa may akda ng libro na si Edmundo Garcia, isang 1987 Constitutional Framer, Peace Advocate at kilalang propesor, nais niyang himukin ang mamamayan na ipamalas ang kanilang katapangan sa gitna ng anumang hamon na dumating sa ating buhay.

Bukod dito, layunin din ng aklat ni Garcia na makapagbigay ng pag-asa at panatilihin itong buhay sa puso ng bawat Filipino.

“I would like to invite everyone to have courage because most of all we have to manifest courage in our lives and in a sense the message of the book is to be courageous in good times and in bad, to have hope to keep hope alive among our people, never to give up.” Bahagi ng pahayag ni Garcia sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, binigyang diin naman ni Sr. Patricia Fox, NDS, isa sa mga dumalo sa Book Launching, na sa kabila ng pag-uusig na naraanasan ng maraming Filipino at tulad rin niya, ay mahalagang mapanatili ang pananalig sa Panginoon, at manalig na ang kadilimang dumarating sa ating buhay, ay mayroong katapusan, dahil si Hesus na muling nabuhay at ang Espiritu Santo ay nananahan sa bawat Filipino.

Dagdag pa ni Sr. Fox, nawa ang galit na namamayani sa puso ng mga inuusig ay panibaguhin ng Diyos at maging pag-ibig, at ang kalungkutan at pagdadalamhati at mapalitan ng katapangan at kagitingan.

“I think even when the darkness is there, it will be overcome because we believe that Jesus is alive and that spirit is alive and active… The task of the time is to transform grief into courage, hatred in to our capacity to love.” Bahagi ng mensahe ni Sr. Fox.

Samantala, pinuri naman ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang aklat na “Courage!” dahil sa inspirasyong maibibigay nito sa lahat ng makababasa ng aklat.

Naniniwala si Bishop David na ang mga aklat na tulad ng “Courage!” ang magpapanumbalik ng nag-aalab na damdamin ng mga Filipino, sa pagmamahal sa bayan.

“Sana bumili kayo ng kopya ng librong ito because it will really give you an inspiration at ako mismo parang lumakas ang loob ko pagkatapos kong makinig sa mga testimonies mga book reviews, mga messages. Pero I am sure the book itself is going to be more interesting parang it will put fire in your belly for love of country.” Pahayag ni Bishop David sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 131,791 total reads

 131,791 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 174,870 total reads

 174,870 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 224,628 total reads

 224,628 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 383,822 total reads

 383,822 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 404,896 total reads

 404,896 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,040 total reads

 23,040 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,687 total reads

 52,687 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,531 total reads

 45,531 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top