Pamamaril sa isang Pari sa Laguna, Kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Mariing kinundena ni Diocese of San Pablo Laguna Bishop ‎Buenaventura Famadico ang pamamaril kay Rev. Fr. Rey Urmenta na isang retiradong Military Ordinariate Chaplain.

“The Diocese of San Pablo condemns the incident that involves the shooting of the priest.”Bahagi ng pahayag ng Diocese of San Pablo

Nanawagan din ang Obispo sa mga Otoridad ng masusing imbistigasyon hinggil sa kaso upang mabigyang katarungan ang pagkakabaril kay Fr. Urmenta.

“We call on our authority to bring to justice those who did such action. We continuously pray for the immediate recovery of Fr. Rey.” panawagan ng Diocese of San Pablo

Ayon sa Obispo, malaki ang naiambag ng pari sa pangangailangang Pastoral ng mga mananampalataya sa Diyosesis sa pamamagitan ng paglilingkod sa ilang mga Parokya sa Calamba, Laguna.

“Fr. Rey Urmenta, though not incardinated to the Diocese of San Pablo, has contributed to the pastoral needs of our faithful by performing his priestly ministry in some parishes in Calamba, Laguna. After his retirement as chaplain in the Military Ordinariate of the Philippines, he opted to reside in Calamba.” ang pahayag ni Bishop Famadico.

Noong Miyerkules, ika – 6 ng Hunyo ng pagbabarilin ang pari ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan patungo sa isang Parokya para dumalo sa pagpupulong.

Sa paunang pahayag ng biktima sinabi nitong posibleng may kinalaman ang taong may pagkakautang sa kaniya.

Patuloy naman ang pulisya sa pag-iimbistiga sa kaso upang matukoy ang motibo sa pamamaril at agad madakip ang mga salarin.

Si Fr. Urmenta na ang ikatlong paring biktima ng pamamaril sa nagdaang anim na buwan kung saan noong ika – 4 ng Disyembre 2017 ay pinaslang si Fr. Marcelito Paez sa Jaen Nueva Ecija habang pinaslang din si Fr. Mark Anthony Ventura noong ika – 29 ng Abril sa Gattaran Cagayan pagkatapos ng pagdiriwang ng Banal na Misa.

Sa tala ng Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME) mula Administrasyong Marcos hanggang sa kasalukuyan administrasyon umaabot sa 16 na Pari ang biktima ng pamamaril kung saan si Fr. Urmenta lamang ang nakaligtas sa kamatayan.

Umaasa ang simbahang katolika na malutas ang mga kaso ng pagpaslang sa bansa at mabigyang katarungan ang bawat biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,083 total reads

 2,083 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,588 total reads

 37,588 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,072 total reads

 74,072 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,283 total reads

 92,283 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,522 total reads

 176,522 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 4,997 total reads

 4,997 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top