Ipagtanggol ang karapatang pantao ng mga api, panawagan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Napapanahon na upang makita at malaman ng mga Filipino lalong lalo na ng mga Kristyano ang kahalagahan ng karapatang pantao.

Ito ang pahayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa paggunita ng Human Rights Day at ika-70 anibersaryo ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Ayon sa Obispo, ang pagpapahalaga sa karapatang pantao ay bahagi ng pakikiisa sa kapwa tao kaya naaangkop lamang na igalang at ipagtanggol ang karapatan ng bawat isa.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang mamamayan na ipagtanggol ang karapatan ng mga kabilang sa maliliit na sektor ng lipunan at mga walang sapat na kaalaman at kapangyarihan upang ipagtanggol ang kanilang sarili mula sa mga pang-aapi.

“Sana po ang mga Filipino, lalong lalo na ang mga Kristyano ay makita nila ang kahalagahan ng Human Rights kung gusto nating pahalagahan ang kapwa natin ay dapat igalang natin ang kanilang karapatan at ipagtanggol lalong lalo na ang karapatan ng mga taong maliliit, ng mga taong walang alam at walang kapangyarihan sila dapat ang tulungan natin, so pahalagahan natin ang karapatang pantao bahagi ito ng ating pakikiisa sa ating kapwa…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Ginugunita ang Human Rights Day tuwing ika-10 ng Disyembre na araw kung kailan pinagtibay ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights o Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao.

Nasasaad sa Article 1 ng Universal Declaration of Human Rights na ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at mayroong pantay-pantay na karangalan at karapatan.

Nakapaloob rin sa naturang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na ang bawat isa ay may kalayaan at karapatan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pananaw pampulitika, pinagmulang bansa, pagmamay-aring ari-arian kapanganakan at iba pang katayuan sa buhay.

Kaugnay nito, mariin ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,660 total reads

 4,660 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,773 total reads

 28,773 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,333 total reads

 69,333 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,880 total reads

 95,880 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,146 total reads

 144,146 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,920 total reads

 164,920 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,661 total reads

 4,661 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,999 total reads

 8,999 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top