Pagdiriwang ng Bagong Taon, gawing ligtas at eco-friendly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Pinaalalahanan ng grupong Ecowaste Coalition ang mga mamamayan na ipagdiwang ng ligtas at panatilihin ang kalinisan sa darating na bagong taon.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng grupo, maaari pa rin na maipagdiwang ng masaya ang pagpasok ng bagong taon sa simple at hindi magastos na pamamaraan.

Inihalimbawa ni Lucero ang paggamit ng alternatibong mga pampaingay upang hindi na gumastos sa pagbili ng mga paputok at maging ligtas mula sa disgrasyang dinadala nito.

Dagdag pa ni Lucero, sa pamamagitan din ng pag-iwas sa mga paputok ay mababawasan ang kumakalat na usok sa paligid na nakasasama hindi lamang sa kalikasan kun’di maging sa katawan ng tao.

Ayon kay Lucero sa munting pamamaraan na ito ay nakapagbabahagi ang tao ng kan’yang ambag sa pangangalaga sa kalikasan.

“I-celebrate ito ng masaya, simple, hindi magastos at sama-sama yung buong pamilya na hindi nasusugatan o nagkakaron ng disgrasya. Para sa environment, sana magbigay din tayo ng share, at sana ito yung share natin, salubungin natin na malinis yung hangin, ang ating kapaligiran, at ligtas ang lahat,” bahagi ng pahayag ni Lucero sa Radyo Veritas.

Nagpaalala din si Lucero na bantayan ang mga anak sa paggamit ng mga alternatibong pampaingay na pito.

Ito ay matapos lumabas sa pagsisiyasat ng grupo na mayroon ng dalawang kaso sa bansa na nalunok ng bata ang ginagamit nitong pito bilang pampaingay.

“Tama naman ito ay isang form of alternative noise maker pero kailangan pa rin ng parental guidance ng paggamit nito kasi kailangang masigurado na walang magkakaroon ng choking hazzard, yung pito kasi ay nalulunok kapag sobrang ihip, [tapos] yung pagkuha ng hangin, So pakibantayan po ang inyong mga anak,” dagdag pa ni Lucero.

Una nang nagpaalala ang Simbahang Katolika na ang tunay na diwa ng pagdiriwang ng bagong taon ay makikita sa pag-ibig at pag-asang taglay ng bawat manwanampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 18,688 total reads

 18,688 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 246,403 total reads

 246,403 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 139,869 total reads

 139,869 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 233,900 total reads

 233,900 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 277,339 total reads

 277,339 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,976 total reads

 33,976 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,876 total reads

 26,876 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top