SINAG, nakaalerto sa swine flu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total views

Nararapat na pangalagaan ang mundo na pangkaraniwang tahanan ng sanilikha.

Ito ang panawagan ng Kaniyang Kabanalan Francico sa ensiklikal na Laudato Si na inilathala noong ika – 24 ng Mayo 2015.

Kabilang na dito ang pagpapahalaga sa kalikasan at maging ng mga hayop na matatagpuan sa sanlibutan.
Kaugnay dito pinaiigting ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang pagbabantay sa mga daungan at paliparan sa bansa upang mapigilan ang pagpasok ng mga karneng apektado ng African Swine Flu mula sa walong mga bansa.

Ayon kay Rosendo So, Pangulo ng SINAG iniiwasan ang pagpasok ng mga karne mula ibang mga bansa dahil makahahawa ang virus ng African Swine Flu sa mga alagang baboy.

“Preventive measure ang ginagawa natin kasi hindi namamatay ang virus baka ma-tranfer sa mga backyard farming,” pahayag ni So sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng SINAG na iniimbestigahan ngayon ang mga karneng nakapasok sa Pilipinas mula China subalit hindi naitatala sa Bureau of Customs.

Tiniyak ni So na ligtas sa virus ang mga karneng ibenebenta sa mga pamilihan dahil nagmula ito sa lokal na produksyon subalit binabantayan ng grupo ang mga frozen meat products lalo na ang mga inangkat noong Disyembre mula sa Belgium.

“Dito sa lokal wala tayong problema pero dito sa frozzen binabantayan natin,” ani ng pangulo ng SINAG.

Magugunitang ika – 31 ng Disyembre ng ipinagbawal ng ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pagpasok ng mga karneng mula sa Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine bunsod ng swine flu fever sa nasabing mga bansa.

Dahil dito hinimok ni So ang mamamayan na agad ipagbigay – alam sa SINAG o sa tanggapan ng Department of Agriculture kung may napag-aalamang balikbayan na nagdadala ng karne lalo na mula sa mga bansang binanggit.

Ngayong araw na ito tinanggal ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga tauhan ng quarantine group ng Ninoy Aquino International Airport dahil sa bigong gampanan ang kanilang tungkulin.

Base sa tala ng SINAG 65 porsyento sa suplay ng karne sa Pilipinas ay nagmula sa lokal na produksyon o sa backyard farming.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 22,095 total views

 22,094 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 96,708 total views

 96,708 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 176,787 total views

 176,787 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 219,926 total views

 219,926 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 219,687 total views

 219,687 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top