Banal na misa, i-aalay ng Diocese of Bangued sa kawani ng PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total reads

Pangungunahan ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Youth ang isang banal na misa para sa mga kagawad ng Philippine National Police na magbabantay sa iba’t-ibang polling precincts sa lalawigan na isa sa itinuturing na election hotspots.

Inihayag ni Bishop Jaucian na i-aalay ang misa at pagbabasbas sa P-N-P contingents bago i-deploy sa kani-kanilang area of responsibility sa lalawigan ng Abra.

“Under COMELEC control na kami so tomorrow early morning, meron akong Mass for the PNP contingent bago sila pumunta sa kanilang mga assignment, mga different town. We’ll have a Mass to blessed PNP that will be assigned in the different areas of Abra..” pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas

Isasagawa ang Banal na Misa sa Camp Juan Villamor sa Bangued, Abra dakong alas-siete y medya ng umaga, araw ng Biyernes ika-6 ng Mayo bilang paghahanda sa misyong iniatang sa mga kawani ng Philippine National Police na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa lalawigan sa araw ng halalan.

Kaugnay nito, una na nang tinukoy ng PNP ang mga lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Nueva Ecija at Abra bilang election hot spots na nararapat tutukan ang kaayusan at katahimikan sa darating na May 9 National at Local Elections.

Habang itinuturing namang areas of concern ang ilang lalawigan sa Northern Mindanao, Cagayan Valley, Central Mindanao, Central Luzon and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na inaasahang magkakaroon ng karagdagang pwersa upang magbantay.

Bukod dito patuloy rin ang monitoring ng PNP sa may 85 private armed groups, na karamihan ay matatagpuan sa rehiyon ng Mindanao and Hilagang Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,650 total reads

 41,650 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,641 total reads

 121,641 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,088 total reads

 155,088 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,387 total reads

 190,387 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,339 total reads

 415,339 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top