Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mayayamang bansa, hinimok na ipakita ang awa at malasakit sa mga biktima ng El Niño

SHARE THE TRUTH

 218 total views

Nagpaabot ng mensahe si Archdiocese of Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga pinuno ng mayayamang bansa na tulungan ang milyun-milyong biktima ng El Niño sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, nauunawaan nito ang pinagdadaanan ng ibang mga bansa lalo na sa bahagi ng Africa dahil dinanas rin ng kanilang lalawigan ang matinding tagtuyot na nagdulot ng kagutuman.

Hiling ng Obispo, ang agarang pagpapadala ng tulong sa mga biktima upang hindi matulad sa nangyari sa Cotabato na nauwi sa karahasan ang paghingi ng tulong ng mga magsasaka sa pamahalaan.

“Sana ang mensahe natin ay makarating sa malalaking ekonomiya ng bansa katulad ng Amerika at sa Europa at maglaan ng konting pondo at pera para masagot ang pangangailangan ng mga apektadong mga tao dahil sa El Niño Phenomenon. Dalawa lang naman ang kailangan nila, pagkain saka tubig so sana matulungan yon at maipakita natin yung awa at malasakit sa mga kahirapan ng ating mga kapatid sa iba’t ibang panig ng daigdig na biktima ng El Niño.” Pahayag ng Obispo.

Ayon sa United Nations Humanitarian Affairs, ang 2015-2016 El Niño phenomenon ang pinakamatinding tagtuyot na naitala sa kasaysayan dahil sa pinsalang idinulot nito sa 13 bansa sa Africa, Asya, Central at South America, at Pacific.

Dahil dito, pinangangambahan naman ng ahensya ang kabaliktarang epekto ng El Niño na matinding pagbaha sa ibang bahagi ng mundo.

Sa ulat ng U-N, umabot sa humigit 60 milyong indibidwal sa buong mundo ang biktima ng El Niño at nangangailangan ng tulong kabilang ang 32 milyon sa Southern Africa na kailangan ng pagkain tubig at suportang pang agrikultura.

Sa pagtataya rin ng UN, maaaring tumaas pa sa 3.6 na bilyong dolyar ang kinakailangan upang matustusan ang pangangailangan ng mga biktima ng El Niño.

Kaugnay dito, naiulat naman sa Pilipinas na umabot sa P7.01

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,185 total views

 29,185 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 40,902 total views

 40,902 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 61,735 total views

 61,735 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,157 total views

 78,157 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,391 total views

 87,391 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 80,338 total views

 80,338 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 115,107 total views

 115,107 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

CBCP Circular Letter No. 20-20

 18,815 total views

 18,815 total views Circular No. 20-20 April 7, 2020 TO THE LOCAL ORDINARIES Your Excellencies,and Reverend Administrators: RE: SIMULTANEOUS RINGING OF THE PARISH CHURCH BELLS ON

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top