Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banal na misa, i-aalay ng Diocese of Bangued sa kawani ng PNP

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Pangungunahan ni Bangued Abra Bishop Leopoldo Jaucian, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Youth ang isang banal na misa para sa mga kagawad ng Philippine National Police na magbabantay sa iba’t-ibang polling precincts sa lalawigan na isa sa itinuturing na election hotspots.

Inihayag ni Bishop Jaucian na i-aalay ang misa at pagbabasbas sa P-N-P contingents bago i-deploy sa kani-kanilang area of responsibility sa lalawigan ng Abra.

“Under COMELEC control na kami so tomorrow early morning, meron akong Mass for the PNP contingent bago sila pumunta sa kanilang mga assignment, mga different town. We’ll have a Mass to blessed PNP that will be assigned in the different areas of Abra..” pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas

Isasagawa ang Banal na Misa sa Camp Juan Villamor sa Bangued, Abra dakong alas-siete y medya ng umaga, araw ng Biyernes ika-6 ng Mayo bilang paghahanda sa misyong iniatang sa mga kawani ng Philippine National Police na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa lalawigan sa araw ng halalan.

Kaugnay nito, una na nang tinukoy ng PNP ang mga lalawigan ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Nueva Ecija at Abra bilang election hot spots na nararapat tutukan ang kaayusan at katahimikan sa darating na May 9 National at Local Elections.

Habang itinuturing namang areas of concern ang ilang lalawigan sa Northern Mindanao, Cagayan Valley, Central Mindanao, Central Luzon and Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na inaasahang magkakaroon ng karagdagang pwersa upang magbantay.

Bukod dito patuloy rin ang monitoring ng PNP sa may 85 private armed groups, na karamihan ay matatagpuan sa rehiyon ng Mindanao and Hilagang Luzon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 75,199 total views

 75,199 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 91,371 total views

 91,371 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 131,082 total views

 131,082 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 190,902 total views

 190,902 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 203,193 total views

 203,193 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top