Patuloy na karahasan at pagpaslang, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 724 total reads

Mariing kinundena ng Diyosesis ng Bacolod ang mga karahasan at pagpaslang na nagaganap sa bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Diyosesis, iginiit nitong walang puwang ang kahit na anong uri ng karahasan sa lipunan lalo na sa Kristiyanong komunidad.

Ang pahayag ni Bacolod Bishop Patricio Buzon ay kaugnay sa pagpaslang sa negosyanteng si Alex Yap Yao na binaril sa loob ng compound ng Our Lady of Perpetual Help Shrine noong ika – 19 ng Pebrero habang sakay ng kaniyang sasakyan pauwi mula sa isang prayer meeting ng Simbahan.

“The killing of Mr. Alex Yap Yao on the night of February 19, 2019 inside the compound of the Our Lady of Perpetual Help Shrine (Redemptorist Church) is a deplorable act. It is an act of violence that has no place in Christian communities, more so, in our society that upholds the principles of law and order.” pahayag ng Diyosesis.

Iginiit ng Obispo na tuluyang pagbalewala sa batas at turo ng Kristiyanong pamayanan ang mga pagpaslang na nangyayari sa bansa.

Batay sa tala ng iba’t-ibang organisasyon, higit 20,000 katao na ang nasawi mula taong 2016 kung saan karamihan dito ay isinasangkot sa mga iligal na gawain particular na sa droga.

Dahil dito, panawagan ng Diyosesis ng Bacolod sa pamahalaan na bigyan ng kagyat na resolusyon ang nasabing insidente upang makamit ang katarungan ng biktima at mapanagot sa batas ang salarin.

Ang panawagan ay hindi lamang sa katarungan ni Yao kundi maging sa lahat ng biktima ng karahasan at kawalang katarungan sa ating bayan.

Sa ensiklikal ni Pope Paul VI na Humanae Vitae binibigyang diin dito ang kahalagahan ng pangangalaga sa buhay ng tao na templo ng Panginoon at pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,694 total reads

 38,694 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,055 total reads

 89,055 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,926 total reads

 136,926 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,874 total reads

 240,874 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,979 total reads

 324,979 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top