Pagtutulungan at pagkakaisa, mahalaga sa epektibong pagtugon ng Simbahan sa kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total views

Naniniwala ang Archdiocese of San Fernando, Pampanga na mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa para mas maging epektibo ang pagtugon ng Simbahan sa kalamidad.

Ayon sa Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis na si Rev. Fr. Kenneth Alde, umaasa siya sa magandang idudulot ng maagap na pagkilos ngayon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na magkaroon ng komprehensibong paghahanda ang mga Diyosesis sa epekto ng mga magaganap na kalamidad.

Nanindigan si Fr. Alde na bagamat sila mismo sa Pampanga ay hindi rin ligtas sa banta ng iba’t-ibang kalamidad ay nagnanais din na makatulong sa ibang lalawigan.

“Kami po ay laging naapektuhan ng kalamidad subalit kahit ganoon nangangarap kami na kapag may pangangailangan ang ibang Diocese ay bukas din po ang Archdiocese of San Fernando para tumulong din at makipag-tulungan,” ani Fr. Alde sa panayam ng Veritas 846.

Aminado si Fr. Alde na ang kahandaan sa kalamidad ay hindi natatapos sa isang pagpupulong lamang at kailangan itong bigyan ng mas malalim na pagtalakay at paguusap-usap.

“Kailangan lang talaga natin umupo, magtrabaho at mag-plano para coordinated ang atin mga efforts, magiging efficient tayo, dahil meron tayong economy scale mas malaki ang impact natin dahil sama-sama tayo,” dagdag pa ni Fr. Alde.

Sa isinagawang pag-aaral ng isang riks anaylsis firm na Verisk Maplecroft noong taong 2015, sinasabing ang San Fernando Pampanga ay ika-anim sa 100 mga siyudad sa buong mundo na maituturing na “most at risk” sa mga posibleng maganap na kalamidad gaya ng lindol, baha, storm surges at volcanic eruption.

Sa kabila nito, ang Arkidiyosesis ng San Fernando ay nanatiling matatag at patuloy na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad kung saan nito lamang taong 2015, kasabay ng pananalasa ng bagyong Lando ay agad silang nakapagsagawa ng relief operation para sa may mahigit 11 libong pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,581 total views

 30,581 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 58,932 total views

 58,932 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,662 total views

 126,662 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,813 total views

 149,813 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,753 total views

 217,753 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,329 total views

 92,329 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top