“Citizen’s Arrest” at hindi “vigilante justice” ang pinahihintulutan ng batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 472 total reads

Ito ang nilinaw ni Prof. Ronald Simbulan – Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) kaugnay sa isinusulong na Citizen’s Arrest ng susunod na admiistrasyon partikular na para sa mga mahuhuling nagbibenta o gumagamit ng bawal na gamot.

Paliwanag ni Prof. Simbulan ang sinasabing Citizen’s Arrest ay matagal ng pinahihintulutan sa bansa batay na rin sa Revised Penal Code ngunit ito ay para lamang hulihin at dalhin sa presinto o sa kinauukulan ang mga lumabag sa batas at hindi upang maging isang vigilante na siyang maghahatol at magpaparusa sa mga ito.

“Ang Citizen’s Arrest talagang tao na kaya mo i-apprehend at dalhin pa rin sa ano, may due process pa rin dalhin sa pulis, kung saan siya icha-charge kung may evidence tapos may proseso so it’s not Vigilante Justice kasi yung Vigilante Justice ‘yun ang ayaw natin dahil gantihan ‘yan, tapos walang due process. Yung Vigilante Justice kasi ‘yung accuser siya na rin ang nagiging prosecutor at executioner.” Paglilinaw ni Prof.Simbulan sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito, giniit ni Prof. Simbulan na nararapat na maging mas malinaw sa mga mamamayan ang alituntunin kaugnay ng Citizen’s Arrest na isinusulong ng susunod na administrayon upang hindi magdulot ng mas malalang kaguluhan sa lipunan.

Kaugnay nito, ayon sa United Nations World Drug Report ang Pilipinas ang may pinakamataas na paggamit ng Shabu sa East Asia kung saan batay sa tala Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) aabot sa 92-porsyento ng mga barangay sa Metro Manila at 1/5 naman ng mga barangay sa buong bansa ay apektado ng bawal na gamot.

Samantala sa Pilipinas kilala ang tinaguriang Davao Death Squad o DDS sa Davao na isang vigilante group na itinuturing na responsible sa mga sinasabing summary executions ng mga hinihinalang sangkot sa pagnanakaw at droga o bawal na gamot kung saan mula taong 1998 hanggang 2008 ay tinatayang nasa 1,020 hanggang 1,040 ang mga pinaslang na biktima ng summary executions sa lalawigan.

Mariing kinokondena ng Simbahang Katolika maging ng gobyerno ang sinasabing gawain lalo na at sinisentensiyahan ng kamatayan ang mga indibidwal na nagkasala na isang paglabag sa kanilang karapatan na mabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,484 total reads

 53,484 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,819 total reads

 102,819 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,690 total reads

 150,690 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,639 total reads

 254,639 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,078 total reads

 338,078 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top