Pagtutulungan at pagkakaisa, mahalaga sa epektibong pagtugon ng Simbahan sa kalamidad

SHARE THE TRUTH

 369 total views

Naniniwala ang Archdiocese of San Fernando, Pampanga na mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa para mas maging epektibo ang pagtugon ng Simbahan sa kalamidad.

Ayon sa Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis na si Rev. Fr. Kenneth Alde, umaasa siya sa magandang idudulot ng maagap na pagkilos ngayon ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na magkaroon ng komprehensibong paghahanda ang mga Diyosesis sa epekto ng mga magaganap na kalamidad.

Nanindigan si Fr. Alde na bagamat sila mismo sa Pampanga ay hindi rin ligtas sa banta ng iba’t-ibang kalamidad ay nagnanais din na makatulong sa ibang lalawigan.

“Kami po ay laging naapektuhan ng kalamidad subalit kahit ganoon nangangarap kami na kapag may pangangailangan ang ibang Diocese ay bukas din po ang Archdiocese of San Fernando para tumulong din at makipag-tulungan,” ani Fr. Alde sa panayam ng Veritas 846.

Aminado si Fr. Alde na ang kahandaan sa kalamidad ay hindi natatapos sa isang pagpupulong lamang at kailangan itong bigyan ng mas malalim na pagtalakay at paguusap-usap.

“Kailangan lang talaga natin umupo, magtrabaho at mag-plano para coordinated ang atin mga efforts, magiging efficient tayo, dahil meron tayong economy scale mas malaki ang impact natin dahil sama-sama tayo,” dagdag pa ni Fr. Alde.

Sa isinagawang pag-aaral ng isang riks anaylsis firm na Verisk Maplecroft noong taong 2015, sinasabing ang San Fernando Pampanga ay ika-anim sa 100 mga siyudad sa buong mundo na maituturing na “most at risk” sa mga posibleng maganap na kalamidad gaya ng lindol, baha, storm surges at volcanic eruption.

Sa kabila nito, ang Arkidiyosesis ng San Fernando ay nanatiling matatag at patuloy na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektado ng kalamidad kung saan nito lamang taong 2015, kasabay ng pananalasa ng bagyong Lando ay agad silang nakapagsagawa ng relief operation para sa may mahigit 11 libong pamilya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,533 total views

 9,533 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,177 total views

 24,177 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,479 total views

 38,479 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,240 total views

 55,240 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,639 total views

 101,639 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 26,592 total views

 26,592 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top