Pagpapatunay sa pagiging Banal ng batang si Darwin Ramos, sinumulan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang Solemn Rites for the Opening of the Cause for Beatification and Canonization of the Servant of God Darwin Ramos, Agosto ika-28 ng hapon sa Immaculate Conception, Cathedral of Cubao.

Kasama ng Obispo ang Postulator ng cause ni Darwin na si Fr. Thomas de Gabory, OP mula sa France, at iba pang pari mula sa Diocese of Cubao na magiging katuwang sa pangangasiwa sa proseso ng pagpapatunay ng pagiging banal si Ramos.

Naniniwala si Fr. De Gabory na sa kabila ng kabataan ni Darwin ay taglay niya ang kabanalang mula sa Panginoon dahil sa pinakita nitong pagmamahal sa kapwa at labis na pagtitiwala sa Diyos sa panahong siya ay naghihirap sa karamdaman.

“Darwin is simple teenager, simple but his spirit in his heart is very impress [impressive]. In his heart, he is deeply related in Jesus Christ in his suffering in his illness.” Bahagi ng pahayag ng Pari.

Bago magsimula ang Solemn Rites para kay Darwin, ipinaliwanag ang prosesong kailangang pagdaanan bago ito tuluyang maideklarang santo.

Inihayag dito na ang Rito ng unang sesyon, ay pormal na pagsisimula lamang ng unang hakbang, matapos ito ay gagawin ang pangangalap ng mga ebidensya, mga testimonya at pagdodokumento nito na s’yang isusumite sa congregation for the causes of saints sa Roma.

Matapos ito ay hihintayin ang pasya ng congregation for the causes of saints, kung magtutuloy-tuloy o kakailanganin pa ng karagdagang mga dokumento bago maideklarang beato si Darwin.

Sa prosesong ito kinakailangan din na mayroong mga himalang mapatutunayan na naganap dahil sa pamamagitan ni Darwin, bago siya maideklrang beato at banal.

Labis naman ang pasasalamat ng ina nito na si Erlinda Ramos, dahil hindi nito akalaing posibleng maging santo ang kaniyang anak, at nakapag-iwan pa ng malaking inspirasyon sa simbahan at sa mga kabataang kapwa nila naghihirap.

“Nagalak [ako] na gagawin yung anak kong santo, para naman sa buong mundo yun na alaala n’ya lalo na sa mga kabataan na naging kasama n’ya, na naging mabuti s’yang kaibigan, sa mga nag-alaga sa kan’ya at napamahal sa kan’ya nung nabubuhay s’ya.” Pahayag ng ina ni Darwin.

Ayon kay Bishop Ongtioco, bukod kay Ramos, sa kasalukuyan ay mayroong tinatayang 18 mga Filipinong nasa proseso ng pagiging Santo.

Inaasahan na rin ng Obispo na matatagalan ang prosesong ito at ipinaliwanag niyang walang timeline na sinusunod ang pagdedeklarang banal ng isang tao dahil sa dami ng mga kinakailangang suriin at pag-aralan bago tuluyang magdeklara ng isang Santo.

Mula sa higit 10 libong Santo ng simbahang Katoliko dalawa naman ang itinanghal na Santo ng Pilipinas na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,163 total reads

 55,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,545 total reads

 134,545 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,990 total reads

 167,990 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,288 total reads

 203,288 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,600 total reads

 427,600 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,755 total reads

 37,755 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,644 total reads

 30,644 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top