Segunda Mana Outlet, magbubukas sa Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total reads

Inaanyayahan ng Caritas Manila Segunda Mana ang mamamayan ng Antipolo sa gaganaping expo sa lungsod.

Ayon sa Caritas Manila ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsagawa ng expo ang Segunda Mana sa Antipolo upang mailapit sa mamamayan ang mga produktong maaring mabili sa mababang halaga na gawa ng mga Caritas partners.

Layunin ng mga programa ng Caritas Manila na matulungan ang mga mahihirap sa lipunan na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay at hindi umaasa lamang sa mga tulong.

Pangunahing benepisyaryo ng Segunda Mana ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na tumutulong sa halos 5, 000 estudyante sa buong bansa na walang sapat na kakayahang pinansyal para tustusan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Naniniwala si Fr. Anton Pascual ang Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas 846 na edukasyon ang susi ng tagumpay ng mamamayan kaya’t mahalagang mapalawak pa ang programa.

“Ang kikitain po rito ay gagamitin natin sa pagpapaaral ng mga kabataan sa kolehiyo at vocational technology,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Bukod sa pagkamit ng edukasyon layunin din ng Caritas Manila na mahubog ang mga kabataan tungo sa pagiging mabubuting lider ng lipunan na handang kakalinga sa mga mahihirap.

Magbubukas ang Segunda Mana expo sa ikalawa ng Setyembre sa Vista Mall Antipolo ganap na alas-11 ng umaga at tatagal hanggang ika-15 ng Setyembre.

Pangungunahan ni Antipolo Bishop Francis de Leon ang pagbubukas ng expo habang dadalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Rizal Governor Rebecca Ynares.

Sa kabuuan mayroon nang 34 na outlet ang Segunda Mana ng Caritas Manila kabilang na ang isang charity outlet sa Iloilo habang inaasahan ang pagbubukas ng panibagong outlet sa Cebu sa Oktubre.

Mabibili sa expo ang mga donasyong gamit mula sa mga kilalang kompanya at establisimiyento, kilalang personalidad sa lipunan na nakiisa sa adhikain ng Simbahan na tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na Filipino lalu na ang kabataang nais makapagtapos sa pag-aaral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,572 total reads

 56,572 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,849 total reads

 135,849 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,294 total reads

 169,294 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,592 total reads

 204,592 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,832 total reads

 428,832 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top