Pagpapatunay sa pagiging Banal ng batang si Darwin Ramos, sinumulan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang Solemn Rites for the Opening of the Cause for Beatification and Canonization of the Servant of God Darwin Ramos, Agosto ika-28 ng hapon sa Immaculate Conception, Cathedral of Cubao.

Kasama ng Obispo ang Postulator ng cause ni Darwin na si Fr. Thomas de Gabory, OP mula sa France, at iba pang pari mula sa Diocese of Cubao na magiging katuwang sa pangangasiwa sa proseso ng pagpapatunay ng pagiging banal si Ramos.

Naniniwala si Fr. De Gabory na sa kabila ng kabataan ni Darwin ay taglay niya ang kabanalang mula sa Panginoon dahil sa pinakita nitong pagmamahal sa kapwa at labis na pagtitiwala sa Diyos sa panahong siya ay naghihirap sa karamdaman.

“Darwin is simple teenager, simple but his spirit in his heart is very impress [impressive]. In his heart, he is deeply related in Jesus Christ in his suffering in his illness.” Bahagi ng pahayag ng Pari.

Bago magsimula ang Solemn Rites para kay Darwin, ipinaliwanag ang prosesong kailangang pagdaanan bago ito tuluyang maideklarang santo.

Inihayag dito na ang Rito ng unang sesyon, ay pormal na pagsisimula lamang ng unang hakbang, matapos ito ay gagawin ang pangangalap ng mga ebidensya, mga testimonya at pagdodokumento nito na s’yang isusumite sa congregation for the causes of saints sa Roma.

Matapos ito ay hihintayin ang pasya ng congregation for the causes of saints, kung magtutuloy-tuloy o kakailanganin pa ng karagdagang mga dokumento bago maideklarang beato si Darwin.

Sa prosesong ito kinakailangan din na mayroong mga himalang mapatutunayan na naganap dahil sa pamamagitan ni Darwin, bago siya maideklrang beato at banal.

Labis naman ang pasasalamat ng ina nito na si Erlinda Ramos, dahil hindi nito akalaing posibleng maging santo ang kaniyang anak, at nakapag-iwan pa ng malaking inspirasyon sa simbahan at sa mga kabataang kapwa nila naghihirap.

“Nagalak [ako] na gagawin yung anak kong santo, para naman sa buong mundo yun na alaala n’ya lalo na sa mga kabataan na naging kasama n’ya, na naging mabuti s’yang kaibigan, sa mga nag-alaga sa kan’ya at napamahal sa kan’ya nung nabubuhay s’ya.” Pahayag ng ina ni Darwin.

Ayon kay Bishop Ongtioco, bukod kay Ramos, sa kasalukuyan ay mayroong tinatayang 18 mga Filipinong nasa proseso ng pagiging Santo.

Inaasahan na rin ng Obispo na matatagalan ang prosesong ito at ipinaliwanag niyang walang timeline na sinusunod ang pagdedeklarang banal ng isang tao dahil sa dami ng mga kinakailangang suriin at pag-aralan bago tuluyang magdeklara ng isang Santo.

Mula sa higit 10 libong Santo ng simbahang Katoliko dalawa naman ang itinanghal na Santo ng Pilipinas na sina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,111 total reads

 18,111 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,520 total reads

 52,520 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,002 total reads

 89,002 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,214 total reads

 107,214 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,614 total reads

 190,614 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,595 total reads

 378,595 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top