Cardinal Tagle, hinamon ang mga kabataan na huwag padadaig sa consumerism

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total views

Hinamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kabataan na huwag magpadala sa idinidikta ng mundo.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle sa misa ng kapistahan ng Mahal na Poon ng Santo Sepulcro sa San Fernando De Dilao, Paco Manila, sinabi nitong hindi dapat madaig ang mga kabataan ng udyok ng konsumerismo o ng idinidikta ng kanilang kapwa na maganda base sa pamantayan ng lipunan.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa pagsunod sa dikta ng lipunan ay itinataas ng tao ang kan’yang sarili upang mapantayan ang mataas na antas ng kapwa.

Ipinaalala ng Kardinal sa mga kabataan na dapat tularan si Hesus sa Santo Sepulcro na ibinaba ang Kan’yang sarili kaya naman ito ay itinaas ng Panginoon.

“Mga kabataan alam ko kayo ay parang lagi nalang binobomba ng napakaraming kaisipan at mga advertisement kung papano maging glorious. Ang daming pressure na kailangan successful, competitive. Ang mundo natin ngayon pinipilit, ito ang tama ganito ka dapat. Huwag kayong magpapa pressure sa sinasabi ng consumerist world, sa sinasabi ng mga bully.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Pinayuhanan ni Cardinal Tagle ang mga kabataan na maging tulad din ni Hesus na naglilingkod, at nag-aalay ng kan’yang saliri sa pamamagitan ng mga talent, para sa kabutihan ng iba.

“Yung pagtanggap sa kung sino ka at pagiging simple, hindi nakikipag tagisan na nakakapagod, kun’di ikaw ay naglilingkod kung meron kang talento, hindi para sa kompetisyon, para iangat ang sarili, kun’di para bumaba sa kapwa at ialay ng buong kaligayahan kung ano mang meron ka.Mahal ka ng Diyos at walang masama na ikaw ay makiisa sa mga maliliit at hamak na bagay maglingkod ka.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Nanawagan din sa mga nakatatanda at sa mga magulang ang Arsobispo na gabayan tungo sa mabuting landas at huwag ipahamak ang mga kabataan.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle ang isang suliranin na kinaharap niya sa pagiging pangulo ng Caritas Internationalis, na Online Sexual Exploitation of Children o OSEC.

Inihayag ng Kardinal na nakalulungkot na mismong magulang o kaanak ng mga bata ang naglalagay sa kanila sa kapahamakan.

Kaya naman nanawagan si Cardinal Tagle sa mga nakatatanda na protektahan, mahalin, at gabayan ang mga kabataan sa halip na ipahamak ang mga ito.

“Maraming kabataan ang parang nahahatulan sa kapahamakan sa mundo natin ngayon. Sa taon ng kabataan nakikiusap ako lalo na sa mga magulang, mga pamilya, hindi ipapahamak ang sariling dugo. Nakalulungkot na majority ng cases ng pagpapahamak ng mga bata ay pamilya ang gumagawa. Tingnan natin si Kristo sa Santo Sepulcro wala S’yang ipinahamak kahit na S’ya ang napahamak.” Pahayag ng Cardinal.

Noong nakaraang taon lumabas sa pagsusuri ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking o PIMAHT, na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit dumadami ang kaso ng Online Sexual Exploitation of Children hindi lamang sa Pilipinas kun’di maging sa ibang bansa.

Tinatayang nasa 12 ang edad ng mga batang karaniwang nabibiktima ng online sex at sa buong pag-aaral ng PIMAHT ay isang 2 months old na babaeng sanggol ang pinakabata nilang nasagip.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 215,297 total views

 215,297 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 245,521 total views

 245,521 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 272,165 total views

 272,165 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 367,138 total views

 367,138 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 374,215 total views

 374,215 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 346,845 total views

 346,845 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top