Mamamayang Filipino, hinamon ng CBCP na bantayan ang mga bilanggong pinalalaya ng BuCor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total reads

Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care sa Parole and Probation Administration, mga Prison volunteer at sa mamamayan na maging mapagmatyag at mapagbantay sa mga bilanggong lumalaya sa bansa.

Iginiit ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng kumisyon na kailangang matiyak na ang mga mapapalayang bilanggo ay karapat-dapat na mabigyan ng pangalawang pagkakataon at hindi dahil sa pera lipunan at konsiderasyong pampulitika.

Inihayag ni Diamante na mariin ang paninindigan ng Simbahan sa pagsusulong ng reporma upang matiyak ang katarungang panlipunan na nakabatay sa pagkakaroon ng maayos na justice system ng bansa.

“Dapat maging mapagmatyag tayo, yun ang hinihiling namin sa aming mga Volunteers in Prison, ganun na din sa aming partners sa Parole and Probation Administration na i-monitor yung mga taong lumalaya na hopefully hindi ito lalaya na out of para bang political consideration or out of corruption, yan ang stand ng Simbahan kasi we always look into how to go about reforming the kind of justice system that we have…”pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ni Diamante na hindi magamit na argumento sa pagbabalik ng parusang kamatayan ang napurnadang pagpapalaya sa convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa ilalim ng Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded Good Conduct Time Allowance.

Read: Mayor Sanchez, kinakasangkapan sa muling pagsasabatas ng death penalty

Batay sa tala ng Bureau of Corrections (BuCor) mula taong 2013 ay umabot na sa 22,049 ang mga bilanggong napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kung saan 1,914 dito ay nakagawa ng heinous crimes.

Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na napalaya sa ilalim ng GCTA ang nahatulan sa panggagahasa at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong gayundin ang mga convicted na Chinese drug lords.

Samantala sa panlipunang katuruan ng Simbahan, ang bilangguan ay dapat na magsilbing pansamantalang tuluyan ng mga naligaw ng landas at maging daan sa muling pagbabalik ng kabutihan sa puso at isip ng mga nagkasala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,168 total reads

 55,168 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 134,550 total reads

 134,550 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,995 total reads

 167,995 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,293 total reads

 203,293 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 427,605 total reads

 427,605 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top