Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,864 total reads

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle.

Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang kahalagahan ng kababaang loob at ang kagandahan ng pagsasalu-salo sa hapag.

HUMILITY, ROLE OF STEWARD

Inihayag ng Cardinal na isa sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng kalikasan ay ang kayabangan ng tao.

Aniya, nawawala ang pagiging mapag-aruga ng tao sa kalikasan dahil sa pagnanais nito na maging mataas tulad ng Panginoon.

Sa ganitong dahilan umiiral ang kayabangan at paggiging gahaman ng tao na nais angkinin ang lahat sa mundo, sa halip na maging tagapag-alaga ng nilikha ng Panginoon.

“A steward is always humble, we are not the presumptive owners, we are stewards, the creator is the rightful owner. The creator wants creation to be a big, big web of gift, mutual giving for God is love. God does not need creation, but it is not a need, it is love. That is creation, that is the rule of the universe. Hndi maisusulong ang creation ng mga taong ilusyonado, ilusyonada na sila ang nagmamay-ari. Hindi po, tagapagalaga tayo. ”

Dagdag pa ni Cardinal Tagle, nakababahala ang pag-iral ng ganitong ugali ng tao na maging ang kanyang kapwa ay tinitignan bilang gamit na maaaring ibenta at pagkakitaan.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na ang tunay na pagiging steward o tagapangalaga ng Panginoon ay pagpapakita ng kapakumbabaan na naglilingkod sa Diyos at sa lahat ng Kan’yang nilalang.

THE BEAUTY OF MEALS

Samantala, binigyang diin rin ni Cardinal Tagle ang kagandahan ng pagsasalu-salo sa biyaya ng Panginoon.

Tinukoy nito ang kahulugan ng “meals” na hindi lamang ang pagkain ng isang tao, kun’di ang pagsasalu-salo at hindi ang pagiging makasarili sa biyaya ng kalikasan.

Ipinaalala nito na ang pagbabahaginan sa pagkaing nagmula sa Panginoon ay ang tunay na nagpapakita ng kahulugan ng tema ng Season of Creation ngayon na Web of Life.

“The expression web of life is experienced in a unique way of sharing meals. Kung mag-isa ka hindi meal yan, ang meal nagsasalu-salo kayo, the fruits of the earth and the work of human hands. Kapag sabay-sabay kayo na tututo ka to care, dahil ang kukunin mo yung sapat lang sayo, mayroon pang ibang kukuha.” Dagdag pa ng ng Cardinal.

Tinatayang apat na libong mga mananampalataya ang nakiisa sa ikatlong taon ng pagsasagawa ng Walk for Creation, bilang tanda ng pagbubukas ng Season of Creation tuwing unang araw ng Septyembre hanggang ika-4 ng Oktubre.

Kasabay naman nito, una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang September 1, bilang World Day of Prayer fpr Care of Creation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,715 total reads

 53,715 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,179 total reads

 133,179 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,624 total reads

 166,624 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,922 total reads

 201,922 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,300 total reads

 426,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,733 total reads

 37,733 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,622 total reads

 30,622 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top