Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

SHARE THE TRUTH

 7,126 total views

Homily
Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati
September 15, 2019

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya.

Lalo na po ngayong linggo, ating ginugunita ang muling pagkabuhay ni Hesus, ang Kan’yang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan.

At sa linggong ito para sa parokya natin, nagpapasalamat din po tayo sa Panginoon, sa pagbibigay sa atin sa mahal na Ina sa kan’yang taguri bilang Ina ng mga Nagdadalamhati, ang inang nagdadalamhati.

Nakikidalamhati sa kan’yang anak na nakabayubay sa krus, at nakikidalamhati rin sa lahat ng mga may pinapasan na krus sa buhay.

At nagpapasalamat po tayo sa presensya ng ating mga lingkod bayan dito sa Lungsod ng Makati at sa marami pa pong mga ibang mga bisita.

Puwede bang malaman sino sa inyo ang galing sa ibang parokya? Sa ibang lugar pa pero nandito ngayon para maki… makikain. Welcome po! Welcome! Maganda po ang mga pagbasa natin ngayon, tungkol sa Diyos na ang puso ay punong-puno ng habag. Merong isang bagay na hindi mapigilan ng Diyos.

Sa unang pagbasa, galit ang Diyos dahil ang baying Israel, kinalimutan S’ya, pinalitan S’ya. Sumamba sa ibang Diyos, nagalit ang Diyos. Pero napigilan N’ya ang Kan’yang galit, hindi N’ya sinira ang bayang Israel, bagamat makasalanan.

Kayang pigilan ng Diyos ang Kan’yang galit, pero ano ang hindi N’ya mapigilan? Ang Kan’yang awa, ang Kan’yang habag. Yan ang hindi N’ya malagyan ng limit. Pati nga si San Pablo sa ikalawang pagbasa, namamangha. Sabi n’ya, “ako ang pinaka malaki ang kasalanan.” Kinalaban pa nga n’ya ang mga tagasunod kay Hesus. Pero na habag sa Kan’ya ang Diyos, at bukod do’n, hindi lang siya binigyan ng bagong buhay, pinili pa s’ya para maging apostol, misyonero.

Sabi n’ya hindi ako karapat-dapat, pero ganyan ang habag ng Diyos, ang hindi karapat-dapat, Kan’yang minamahal, Kan’yang tinatawag para maging katuwang Niya, partner sa Kan’yang misyon. Kaya naman sa ebanghelyo, nauunawaan natin kung bakit itong mga pariseo, mga eskriba, nagbubulong-bulungan, kasi nakita nila si Hesus ang mga kasama, mga makasalanan. Sa kaisipan nila noong panahon na ‘yon ang makasalanan, kalaban ng Diyos. Kaya kung ikaw ay katulad ni Hesus, guro, banal na tao, dapat hindi ka nakikihalubilo sa mga makasalanan, kasi labas na sila sa Diyos.

At marurumihan ka! marurumihan ka, kapag ikaw ay nakisalamuha sa mga makasalanan. Kaya na eskandalo ang mga pariseo, ang mga eskriba, sila na nagpapahayag ng kalinisan ng Diyos, para sa kanila ang kalinisan ng Diyos, hiwalay sa mga karumihan ng mga makasalanan. Kaya nagkwento si Hesus ng tatlong parables. Yung una, nawawalang tupa, iiwanan ng pastol yung siyamnapu’t-siyam, hinanap yung isang nawawala.

Pero kung iisipin natin, anong klaseng pastol ito? Okay na yung siyamnapu’t-siyam mo, alagaan mo na yan. Hahanapin mo yung isang nawawala, kung mawala pa rin yung siyamnapu’t-siyam dahil walang bantay. Ano bang klaseng pastol ito, Parang pabaya, o kung businessman ito, palugi ito, palugi. May siyamnapu’t-siyam na sigurado nang pagkakakitaan mo e bakit mo iiwanan yan para hanapin ‘tong isang nawawala.

Okay na yung malugi ka d’yan sa isa, mayroon ka pang siyamnapu’t-siyam. Pero parang itong pastol na ito, hindi marunong sa business. Mukhang hindi marunong mag-compute. Kayo ‘pag pinapili ko kayo, siyamnapu’t-siyam o isa, anong pipiliin n’yo? Yung totoo lang. [crowd answers: Siyamnapu’t-siyam] Ano? Siyamnapu’t-siyam! Bakit mo parang sigurado na ito, isa lang naman yan meron pa akong siyamnapu’t-siyam.

Pero itong pastol na pinapaliwanag ni Hesus, larawan ng Diyos, parang iba ang computation. Tapos yung ikalawang parable, babae nawawala ang isang barya, isang coin. Pero meron pa s’yang siyam. Anong ginawa? Nagwalis sa buong bahay para hanapin yung isa na barya. Ilan sa inyo ang magpapalinis ng buong bahay para hanapin ang isang limnag pisong barya? Kung meron ka pa namang ibang barya. Siguro sasabiin n’yo nga, “singko pesos lang naman yan.

Bente singko sentimos lang yan, nilalagay ko nga lang yan sa aking tainga. Di ako maglilinis ng buong bahay.” So ano ba itong babaeng ito, overacting ba ito para sa isang barya? Tapos yung pangatlong kwento, yung prodigal son. Yung bunsong anak kinuha yung kan’yang mana, winaldas. Nung naghirap naisip, “babalik ako sa aking ama.” Yung ama tumatakbo sinalubong yung anak, walang tanung-tanong, walang sinabing, “O ipaliwanag mo, anong ginawa mo doon sa nawaldas, paano mo yan maibabalik? Ano ang plano mo?” wala, basta tinanggap n’ya.

Kaya maiintindihan mo rin yung inis nung panganay na anak parang, “ano ba itong matandang ito? hindi ba ito nadadala, winaldas na nga ng bunsong anak ang lahat, tinanggap pa n’ya. Baka waldasin ang natitira pang kayamanan.” Pero hindi, tinanggap. Sa tatlong parables, yung pastol, yung babae, at yung ama, para bagang sa biglang tingin parang mayroon silang diperensya.

Parang kung ikaw yung nakikinig, mapapakamot ka ng ulo, ano? Anong klaseng pastol yan, palugi yan. Pabaya. Anong klaseng babae yan, overacting naman sa isang barya, isang barya lang yan iha! Itong ama, mayroon kang mabuting anak, yan ang alagaan mo, yang nagwaldas nagpa-party ka pa.
Ilan sa inyo kapag bumagsak yung anak n’yo sasabihin sa eskwela, “Sir, mam, ang anak n’yo bumagsak, kailangang umulit ng grade 6 next year.” Ilan sa inyo ang tatawag sa kapitbahay, “halika’yo magpa-party tayo, ang anak ko, bumagsak, pero uulit s’ya ng grade 6 at bumalik s’ya sa bahay para umulit ng grade 6.”

Di ba mapapakamot kayo ng ulo? Ganyan ka baliw ang ating Diyos. Gnyan ka baliw ang punong-puno ng habag at awa. Hindi mauunawaan ng mundo, kasi ang mundo iba ang pamatayan, iba ang norms, iba ang criteria. Ang mundo natin, eye for an eye, tuusan. Sinaktan mo ang mata ko, sasaktan ko ang mata mo.

Patas tayo. Kapag ganyan lahat tayo bulag na, kulang pa ang dalawang mata. Kung ang reklamento ay, “sinaktan moa ng mata ko, saktan ko rin ang mata mo! Sinaktan mo ang kilay ko, saktan ko rin ang kilay mo! Sinaktan moa ng tainga ko, saktan ko ang tainga mo! Patas lang tayo. Pagkaganyan, lahat tayo wala nang mata, wala nang ilong, wala nang tainga at kawawa yung iba, wala nang kilay. Magpa-tatoo ka pa d’yan o ano pa yan. Pero bakit may mata pa tayo, mayroon pang ilong at tainga, bakit may puso pa dahil meron tayong Diyos na baliw! Baliw sa pagmamahal.

Ano ang dahilan nung pastol, nung babae at kung ama? walang ibang dahilan, akin s’ya. Yung nawawalang tupa ay akin. Yung nawawalang barya ay akin. Yang batang yan, na nasira ang buhay, ay anak ko. Walang ibang aangkin d’yan kun’di ako. Sugatan man yan, lampa man yan, barya man yan na walang halaga, nagkamali man yan, pero aking anak yan. At dito sa aking bahay s’ya dapat mamalagi. Yan ang Diyos na pinakikilala ni Hesus at yan din ang Diyos na hindi maunawaan ng mga pariseo at eskriba. At ang tugatog ng habag at awa ng Diyos, nakita natin sa pagpapakasakit at kamatayan ni Hesus. Hindi S’ya gumanti, hindi S’ya naging marahas sa iba, natanggap N’ya ang lahat ng dusa at karahasan, huwag lamang masaktan ang iba. At yan ang dalamhati ng mahal na ina.

Dalamhati ng isang ina na kayang harapin ang kahihiyan na tinamo ng kan’yang anak. Tingnan ninyo, si Hesus iniwanan ng mga kaibigan na hihiya siguro na makilalang kaibigan ni Hesus., Naalaala n’yo si Pedro, nung tinanong s’ya, “o diba taga Galilea ka? di ba kaibigan ka ni Hesus?” sabi n’ya, “Hindi! Hindi!” parang nahiya s’ya, natakot s’ya na makilalang kaibigan ni Hesus. Pero si Maria, nandun sa paanan ng krus, dinideklara sa mundo, “Aking anak ito. Itatwa man ng lahat, ako hindi.” “Anak ko S’ya, at kung ako man ay mapahiya dahil anak ko S’ya, kasama yan sa aking dalamhati.”

Dalamhati hindi lamang ng emosyunal na tao, dalamhati ng isang nagsasabi, “He is mine. Hindi S’ya iba kaya kaya kong makipag-isa sa Kan’yang paghihirap.” Kailangan ng mundo, ang ganitong habag, awa, solidarity. Ang daming tao ngayon na walang umaangkin as their own. Ang daming bata nalulungkot, parang ikinahihiya sila ng sariling magulang, kaya floating, confused. Naghahanap ng pamilya, ang daming bata biktima ng bullying, mga kaklase, mga kaibigan na walang katapusang pamimintas. “Ang pangit mo!” “Lumayo ka sa amin, ayaw ka namin!” Pero ang Diyos hindi nagsasabi ng ganun.

Ang Diyos laging nagsasabi, mahal kita, anak kita. Kaya po sa kapistahan ng ating ina, na nagpakita na ang ebanghelyo ay totoo, sana tayo rin pigilan ang galit pero huwag pigilan ang awa, habag at pakikiisa sa kapwa, lalo na doon sa mga inaalipusta at walang umaangkin, walang pamilya, walang kaibigan.

Ipanalangin po natin ang ating mga kapatid na Amigonians kasi po yan din po ang kanilang misyon lalo na sa mga kabataan, bata na parang nakakaranas ng dalamhati dahil they do not belong. Napabayaan sila. Sana katulad ng mahal na ina na nagdadalamhati, silang lahat, at pati yung mga magre-renew ng kanilang vows, alalahanin n’yo kaya kayo magre-renew ng vows, hindi dahil magaling kayo kun’di dahil may awa ang Diyos.

Pasang awa tayong lahat. Katulad ni San Pablo, “makasalanan ako, ewan ko ba kung bakit nakapasa ako sa Diyos.” Isang sagot lang dahil, “mahal ako ng Diyos.’ Tayo po’y tumahimik sandali at hilingin natin sa Diyos ang biyaya na tayo ay maging daan ng Kan’yang habag at awa sa mundong marahas, walang pag-unawa at walang habag.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 16,470 total views

 16,470 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 24,863 total views

 24,863 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 32,880 total views

 32,880 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 39,340 total views

 39,340 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 44,817 total views

 44,817 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 7,189 total views

 7,189 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 7,188 total views

 7,188 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 7,146 total views

 7,146 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 7,158 total views

 7,158 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 7,199 total views

 7,199 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 7,156 total views

 7,156 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 7,242 total views

 7,242 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 7,120 total views

 7,120 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 7,193 total views

 7,193 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,338 total views

 7,338 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 7,173 total views

 7,173 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 7,221 total views

 7,221 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 7,181 total views

 7,181 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 7,139 total views

 7,139 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 2,686 total views

 2,686 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top