Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

St.John Paul II Diocesan Shrine, matatapos na ngayong taon.

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Umaasa ang Diocese of Balanga, Bataan na matatapos ngayong taon ang itinatayong Diocesan Shrine of Saint John Paul 2nd na sinimulan noong taong 2015.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, nasa 80-porsyento na ang natatapos sa Pang Diyosesis na Dambana na inilaan para sa Santo na dalawang beses na bumisita sa bansa noong 1981 at 1995.

Pagbabahagi ng Obispo, nasa pangangalaga na ng diyosesis ang first class relic ni Saint Pope John Paul the 2nd na ipinagkaloob mismo ng Archdiocese of Krakow, Poland sa pamamagitan ni Archbishop Stanislaw Cardinal Dziwisz.

“With God’s graces we are praying and hoping that our Diocesan Shrine of Saint John Paul II will be finished by the end of this year. We are 80% completed. We have here a first class relic of Saint Pope John Paul II specifically given to us by the Archdiocese of Krakow thru HE Stanislaw Cardinal Dziwisz.” pahayag ni Bishop Santos.

Isinagawa ang groundbreaking rites ng Diocesan Shrine of Saint John Paul 2nd noong March 17, 2015 kasabay ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag sa Diocese of Balanga.

Bukod sa pagsisilbing panibagong lugar dalanginan ay layunin rin ng Diocesan Shrine ni Saint John Paul 2nd na maging daan para sa religious formation at cultural renewal ng mga mananampalataya at debotong bibisita sa lugar.

Ang panibagong pang-diyosesis na dambana ay matatagpuan sa Barangay Culis, Hermosa, Bataan na magsisilbi ring pangalawang dambana sa diyosesis na inilaan kay Saint Pope John Paul the 2nd.

May 2011 ng pinasinayaan ng diyosesis ang Morong Shrine o ang Blessed John Paul II Memorial Shrine sa dating Philippine Refugee Processing Center (PRPC) na isa sa mga lugar na binisita ni Pope John Paul the 2nd sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas noong 1981.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 4,401 total views

 4,401 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 12,717 total views

 12,717 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 31,449 total views

 31,449 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 47,980 total views

 47,980 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 49,244 total views

 49,244 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 5,314 total views

 5,314 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 30,539 total views

 30,539 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 31,229 total views

 31,229 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top