VeritasPH

The Word, The Truth

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

SHARE THE TRUTH

 4,204 total views

Homily
Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi
Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament,
Sta. Cruz Parish
June 23, 2019

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay nagpapasalamat din sa biyaya ng Eukaristiya.

Nandito po tayo sa Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, kaya napakaganda na dito tayo nagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Hesus.

At sa taong ito rin po, buwan ng Hunyo ay ipinagdiwang ng simbahang ito ng parokyang ito ang kanyang ika-400 anibersaryo. Pwedeng malaman sino sa inyo ang nandito na nang itinayo ang parokyang ito? Wala? Sayang, magbibigay sana ng 400-thousand [pesos] sa buhay pa mula noon hanggang ngayon. Father okay lang? (laughter)

Eukaristiya.Minsan ang dami-dami nating paliwanag pero sa bandang huli, ang Eukaristiya ay si Hesus. S’ya ang ating pinagpapasalamat. S’ya ang dahilan ng ating pagpapasalamat sa Diyos, dahil S’ya ang ibinigay ng Diyos. S’ya ang pinagpapasalamat, S’ya yung kinikilala na galing sa Diyos at S’ya rin yung pagpipira-pirasuhin upang maging buhay na pagsasaluhan ng sambayanan.

Minsan nakakalito na ang maraming mga aklat at mga sulating dalubhasa pero sa bandang huli nakakalimutan, ang Eukaristiya ay si Hesus. Ang tinapay ng buhay na galing sa Ama at binigay sa atin, si Hesus. Ang naggawa ng bagong tipan sa Diyos sa pamamagitan ng Kan’yang dugo.

Sa pagdiriwang po natin ngayon ng Corpus Christi, Corpus Domini, balik tayo kay Hesus. Hindi sapat na alam natin ang seremonya, alam natin kailan tatayo, alam natin kailan uupo, sa bandang huli ang tanong, “Nakikilala ba natin di Hesus?” “Talaga bang tinatanggap natin S’ya? “Talaga bang S’ya ang nagiging buhay natin?”

Sa mga pagbasa natin sa araw na ito, makikita natin ang napaka yaman na presensya ni Hesus, presensyang Eukaristika. Ibig ko lang pong magbigay pansin sa dalawan.

Una, sa mga pagbasa, kitang-kita natin na ang presensya ni Hesus, ang presensya ng Diyos ay sa pamamagitan ng simpleng tinapay, alak, at sa ebanghelyo, tinapay at isda. Nakikita ko lahat tayo, gaganyan-ganyan [nagpapaypay] pagkainit-init. Buti ho kami may bentilador, pero sa totoo lang, kahit tatlo yung bentilador, talagang tumatagaktak pa rin ang pawis mo, patong-patong ho kasi yung suot namin. Pero hindi yun, higit kalahati na ng Hunyo, ganito pa rin, ano ho?

Ang presensya ni Hesus ay nasa simple, simpleng mga nilikha ng Diyos. Galing din sa Diyos ang tinapay, ang alak, ang isda. Galing sa Diyos, regalo ng Diyos upang sa pamamagitan ng simpleng mga nilikha, ang Kan’yang pag-ibig, ang Kan’yang pagkalinga, ang Kan’yang pag aaruga sa atin ay maramdaman.

Kaya nga sa unang pagbasa, pinapurihan ni Melchizedek ang Diyos na lumikha. Ang nilikha, tinapay, alak at gawa ng kamay ng tao ay hindi basta tinapay, hindi basta alak. Iyan ay nilalang ng Diyos, dapat kilalanin na galing sa Diyos at magiging presensya ni Hesus.

Sa ngalan po ng mga kabataan, nakikiusap po ako sa ating lahat pahalagahan ang kalikasan, pahalagahan ang ating mundo, dahil galing yan sa Diyos, regalo. Ang regalo hindi sinisira. Ang regalo pinahahalagahan. Pero kapag ang tingin na natin, tinapay lang naman yan, lupa lang naman yan, butil lang naman yan, at hindi na ito kukunin sa kamay at iaakyat sa langit bilang pasasalamat, wala binura natin ang Diyos, binura natin ang kilos N’ya para tayo regaluhan at lalapastanganin na ang simpleng nilikha.

Pero hindi ganyan ang Diyos, sa pamamagitan ni Kristo, simpleng tinapay, simpleng alak, simpleng isda naging presensya ng Kan’yang pagmamahal. Pyesta ngayon, mamaya prusisyon hanggang Manila Cathedral, sana naman walang kalat. Nakakapagtaka, kung kailan may malaking piyesta ang simbahan, marami ring kalat. Kung kailan tayo nagpapasalamat sa Diyos sa tinapay, na bunga ng lupa at gawa ng tao, sa alak na bunga ng lupa at gawa ng tao, tayo naman nagpapakita, walang pag-aalaga, pag-aalaga sa bigay ng Diyos.

Alalahanin natin, kinuha ni Hesus sa Kan’yang kamay ang simpleng tinapay, simpeng alak at yun ay naging Kan’yang katawan at dugo. Sabi ko nga, kung tayong lahat magiging maalaga sa ating kapaligiran, pati sa simbahan, hindi naman natin kailangan ng janitor. Kailangan lang ng janitor kasi makalat ang tao. Tapos papasok tayo ang linis-linis ng Sta. Cruz Church. Malinis ang Sta. Cruz Church kasi merong binabayarang tagalinis ng mga basura na ating iniiwan d’yan! Lilinis talaga ang paligid, kung tayo ang malinis, at hindi mang-uupa ng iba para linisin ang ating iniiwang dumi!

Eukaristiya. At yun ikalawa po, nung kinuha ni Hesus ang simpleng tinapay at alak, kailan? Sabi sa ikalawang pagbasa noong gabing ipinagkanulo S’ya. Gabi na madilim hindi lamang dahil gabi na, lalong dumilim kasi gabi ng pagtataksil.

Pagtataksil ng kaibigan, pagtataksil ng alagad. At sa ebanghelyo, gabi na rin, at malayo pa ang uuwian ng mga nakinig kay Hesus. Gabi na maaaring maging mahabang gabi ng pagkagutom, pagkahimatay sa daan, at maaaring may mamatay.

Pero sa mga ganyang gabi, si Hesus may gagawin, sa pamamagitan ng simpleng tinapay at alak. Sabi ni San Pablo, sa gabi na si Hesus ay pinagtaksilan, ginawa N’ya, ang tugon N’ya sa pagtataksil sa Kan’ya hindi paghihiganti, hindi galit.

Papano N’ya tinugunan ang napakasakit at napakasama na pagtataksil? Inialay N’ya ang Kan’yang sarili. Parang sinasabi N’ya sa mga nagbebenta sa Kan’ya, binebenta S’ya, sabi N’ya, “Hindi n’yo na ko kailangang ibenta, kasi ibibigay ko ang Aking sarili, kahit walang perang kapalit. Hindi ko kailangan ng pera para ibigay ko ang sarili ko, ang sarili ko ay regalo ng Ama sa inyo.”

Kung papaanong ang tinapay at alak at ang isda ay regalo ng Ama, Ako rin, ang Aking katawan ay regalo para sa inyo, ang Aking dugo ay handog para sa inyo, at ‘yan ang hamon N’ya sa mga alagad sa ebanghelyo. Yung mga alagad sabi, “pauwiin mo na yung mga limang libong tao.” Palagay ko ang talagang pakay ng mga alagad ay, “gusto na naming magpahinga, pauwiin mo na yang mga yan, para naman maka rest kami, para makapanood na kami ng telenobela, para magawa na namin ang aming recreation, paalisin na! paalisin na!” Pero hindi naman nila sasabihin yun, sabi nila, “kawawa naman, baka gabihin, magugutom sila, para makakain sila sa bahay nila, at saka wala naman tayong sapat na pera kung tayo ang magpapakain.”

Kunwari ay malasakit, pero nabasa ni Hesus ang dilim ng gabi, ito ay isang uri rin ng pagtataksil. Indifference, hayaan na sila, at kumuha na naman si Hesus, tinapay at isda. Simple. Ano ang mahalaga? Kahit simple ang tinapay, ang alak at ang isda, ang mahalaga ang kamay ay kumikilala sa Diyos.

Panginoon galing ito sa iyo, at ito ay mananatiling handog ng pag-ibig para maging buhay ng iba.” Gusto ni Hesus ang Kan’yang ginawa na ihandog ang Kan’yang buhay, gawin din ng Kan’yang mga alagad, “kayo ang magpakain.”

Ako nga ibinibigay ko ang aking sarili para sa inyo, kayo rin ibigay ninyo ang inyong sarili para sa kanila. “Lilima ang tinapay namin.” Walang problema yan, kahit liman tinapay, pagnapunta sa mapagpala at mapagbigay na kamay, makakakain ang limang libo. Hindi po problema ng tinapay, ang problema, kamay. Kapa gang kamay, mapagbigay, makakakain lahat. Pero kapag ang kamay, mapagkamkam, maraming magugutom.

Baliktarin natin yung kwento, sa ebanghelyo, limang libo ang kakain, limang tinapay, sumobra pa, kasi yung kamay ni Hesus at ang kamay ng alagad, hindi [madamot]. Pag walang nakakita, [itatago ang pagkain]. Pagtataksil yan ha, kurapsyon! Baliktarin natin, kahit lima lamang ang kakain at limang libo ang tinapay, kapag dumaan sa kamay na corrupt, yung limang ‘yon walang makakain, hindi problema ng tinapay, problema ng kamay.

Pakitingin nga ng kamay [ninyo], tignan ninyo, anong kamay ba yan? Ano bang mga kamay natin? Sana sa pamamagitan ng ating kamay, ang mga gabi ng pagtataksil, matigil na at maging gabi ng handog ng buhay. Sana sa pamamagitan ng ating kamay, ang mga gabi ng pagwawalang bahala sa kapwa ay matigil na umuwi sa milagro, ng pagbabahaginan na makakakain ang lahat at may sobra pa para sa almusal.

Eukaristiya si Hesus. Ang ginawa ni Hesus, sabi N’ya, gawin ninyo sa pag-alaala sa akin. Tayo po simba ng simba, adoration, ayan ha. Baka sumisimba, pero taksil naman pala. Nag-a-adoration pero wala naman palang pakialam, ayaw magbahagi. Narinig natin, “gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin” At tayong lahat magiging katawan ni Kristo.

Buhay sa kasaysayan at sa pamamagitan ng Eukaristiya at ng Kan’yang simbahan, hariwana ang pangako ni Hesus, “ako ay kapiling ninyo, hanggang sa katapusan ng mundo.” iyan ay magaganap.

Through our sharing hopefully, the presence of Jesus, will be more felt, seen, and experienced, by people who go through dark nights of betrayal and indifference. Tayo po’y tumahimik sandali, at tumingin muli kay Hesus at hilingin natin ang biyaya na gawin natin ang Kan’yang ginawa bilang pag-alaala sa Kan’ya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 7,111 total views

 7,111 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 15,096 total views

 15,096 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,632 total views

 22,632 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,618 total views

 38,618 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,662 total views

 46,662 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 4,211 total views

 4,211 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 4,210 total views

 4,210 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 4,168 total views

 4,168 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 4,181 total views

 4,181 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 4,222 total views

 4,222 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 4,179 total views

 4,179 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 4,264 total views

 4,264 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 4,148 total views

 4,148 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 4,143 total views

 4,143 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 4,216 total views

 4,216 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 4,361 total views

 4,361 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 4,195 total views

 4,195 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 4,244 total views

 4,244 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 4,161 total views

 4,161 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 1,627 total views

 1,627 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top