Obispo ng Baguio, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Bishop Cenzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay si Baguio Bishop Victor Bendico sa pagpanaw ni Baguio Bishop-emeritus Carlito Cenzon.

Si Bishop Cenzon ay pumanaw sa edad na 80 taong gulang na kasalukuyang naninirahan sa Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM) provincial house sa Quezon City.

“I would like to express my gratitude to the CICM community for Bishop Cenzon especially during his last years when he was staying there at the provincial house in Quezon City,” ayon kay Bishop Bendico.

Tiniyak din ni Bishop Bendico ang patuloy na panalangin para sa kaluluwa ng yumaong Obispo, gayundin ang kalakasan para sa kanyang naiwang pamilya at mga mahal sa buhay.

“So we are one with them constantly praying for for the soul of Bishop Cenzon especially this time of bereavement,” ayon kay Bishop Bendico sa panayam ng Radio Veritas.

Si Bishop-emeritus Cenzon ay kasalukuyang nakaburol sa CICM Provincial House sa New Manila, Quezon City simula ngayong araw (June 27) hanggang sa ika-30 ng Hunyo.

Dadalhin ang labi ng Obispo sa St. Williams Cathedral sa Tabuk, Kalinga at mananatili doon hanggang sa ika-2 ng Hulyo.

Dadalhin din ang labi ng namayapang Obispo sa Our Lady of Atonement Cathedral at mananatili doon hanggang sa ika-6 ng Hulyo.

Ayon sa Facebook post ng Diocese ng Baguio, isasagawa ang Necrological service alas-4 ng hapon, ika-5 ng Hulyo.

Sa Sabado isasagawa ang funeral mass alas-8:30 ng umaga at ihahatid sa kaniyang huling hantungan sa Maryhurst Seminary, CICM cemetery sa Lucnab Baguio City ang Obispo.

Si Bishop Cenzon ay isinilang sa Baguio City noong 1939, inordinahang pari ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary (CICM) taong 1965.

Inordinahang Obispo ng 1992 at pinamunuan ang diyosesis ng Baguio simula 2005 hanggang sa kaniyang pagreretiro noong 2016.

Si Bishop Cenzon ay kilala rin bilang tagapagtanggol ng kalikasan kung saan pinangunahan niya ang pagsusumite ng Writ of Kalikasan sa Mt. Santo Tomas sa Supreme Court dahil sa tinamong pinsala ng kabundukan at dahil dito, nagawaran Permanent Protection Order taong 2014 upang mapangalagaan ang mga watershed.

Ang butihing obispo rin ay masipag sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Diyos na dinala rin ang pananampalataya maging sa mga naninirahan sa bulubunduking lugar ng Cordillera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 82,473 total reads

 82,473 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 140,633 total reads

 140,633 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 277,142 total reads

 277,142 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 392,728 total reads

 392,728 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top