Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

SHARE THE TRUTH

 7,997 total views

Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa sa pagkamatay ng kasalanan at ang pagkabuhay, buhay para sa Diyos.

At sa linggong ito, dito sa ating National Shrine ay atin din namang pinasasalamatan ang Diyos sa Kan’yang mga sinugong lingkod at tumutulong na tagapangasiwa ng ating mundo, ang mga anghel, ang mga arkanghel.

Sino ba sila na tatlo na pinangalanan sa bagong tipan? Si San Miguel, si San Gabriel at si San Rafael. Ayon sa tradisyon pito sila pero tatlo ang may pangalan sa bibliya, yung apat pang pangalan nakuha yata sa ibang mga writings pero sa labas na ng bibliya. Mag-aalay po ako sa inyo ng dalawang baon para sa pagninilay. Ang una po ay ito, ang pagiging anghel ay pagiging lingkod.

Ang salitang anghel ay hindi pangalan ng karangalan kun’di pangalan ng isang tungkulin na tinanggap mula sa Diyos at kalimitan ang mga anghel ay mga mensahero ng Diyos kung hindi man sa pamamagitan ng salita o balita na kanyang ibig ipaabot, sa pamamagitan ng mga anghel ay mayroong aspeto ng kapangyarihan ng Diyos na mangasiwa sa takbo ng mundo, at takbo ng bayan ng Diyos na ipinahahayag ng mga anghel.

Sa pamamagitan ng mga lingkod na anghel ang pangangasiwa ng Diyos na Siyang nagmamay-ari sa mundo at Siyang naghahari ay naisasakatuparan. Sila’y mga lingkod ng Diyos, lingkod para ang Diyos ang tunay na mamalagi, mamuno, at mangasiwa sa mundo.

Sa ebanghelyong narinig natin, pinaliwanag ni Hesus, ginamit ang isang larawan na makikita ninyo bukas ang langit. Ang langit, yun ang tinuturing na lugar ng Diyos at sabi ni Hesus makikita ninyo bukas ang langit at ang mga anghel ng Diyos manhik-panaog sa kinaroroonan ng anak ng tao. Ganyan ang lingkod na anghel, manhik-panaog, pumapanhik doon sa langit kung saan nakatira ang anak ng Diyos at mula doon sa langit, bababa. Aakyat sa langit, natupad na nila ang kanilang tungkulin, babalik, magpupuri sa nagsugo sa kanila at mananaog muli upang isugo ng Diyos.

Ang mga anghel very dynamic, hindi lang yan nakaupo, hindi lang yan nagpapahinga, hindi yan nagsi-seating pretty, ang anghel manhik-panaog.

Wala kang makikitang anghel na nakapirmi kapag nakapirmi wag mong tatawagin kasi tayo ‘pag may mga batang hindi kumikilos, “Ang batang ito parang anghel,”naku hindi, baka may sakit yan, baka nga patay yan kaya hindi gumagalaw. Ang anghel makislot! Kaya kapag nakakakita ako sa misa lahat kayo tuwid na tuwid, parang walang anghel. Manhik-panaog, at kung ang bahay ninyo walang akyat panaog, labas pasok kung anghel ka.

Pero ang kilos ng mga anghel, kaya parang aktibong-aktibo ay para sa Diyos. Magpuri sa Diyos, katulad ng gagawin natin mamaya sa misa magmamala anghel tayo, “Santo, Santo, Santong Panginoong Diyos!” ang tinig natin ay paakyat sa Kan’ya ang kanilang panhik-panaog dahil sa paglilingkod sa Diyos.

Mga kapatid, kagabi nandoon ako sa San Rafael tinanong ko sila, “Kayo panhik-panaog ba rin kayo? Labas-pumasok din ba kayo?” Kung kayo’y akyat-panaog at labas-pasok, bakit? Dahil ba sa Diyos? Bakit ba tayo nagpapanhik-panaog o labas-pasok? “Ay, naiwan ko ang aking cellphone,” kahit malayo na babalik, aakyat, bababa, dahil sa cellphone. Naiwan ko ang aking credit card! Naku!” Akyat panaog, labas-pasok, bakit? Para mangutang! Nakabalita, may sale! Naku! Parang simbang gabi hindi na makatulog labas-pasok ng mall, akyat panaog, lahat ng floor pinuntahan pag-uwi wala rin namang binili.

Ganyan ang ating mga akyat-panaog, labas-pasok parang hindi yata tungkol sa Diyos, parang mga tungkol lahat sa sarili natin, sa mga luho natin, sa mga gusto natin, sa mga plano natin. Kaya kailangang magpadala ang Diyos ng tunay na anghel para ipakita sa atin, ano nga ba? Bakit ang mga anghel laging gumagalaw? Dahil may misyon. Ilan po sa inyo ang aakyat panaog, nakaalis na ng bahay, babalik dahil nakalimutang magpaalam sa asawa? Wala! Mabuti pa ang cellphone, binabalikan. Ang asawa hindi ka dahilan para mag akyat panaog at mag labas pasok. Baka magalit ang mga anghel, baka sabihin nila, “Ano bang ginagawa nitong si Kardinal na homily?”

Pero maganda paalaala, kailangan natin ng mga katulad ng anghel, aktibo, pero malinaw, galing sila, pumupunta sila sa Anak ng Diyos at kung meron man silang lakad ito ay dahil isinugo ng Anak ng Diyos. Kung kayo rin naman ay gustong maglabas-pasok, akyat-panaog nang hindi naman para sa Diyos, huwag na lang kayong umalis ng bahay, nakakadagdag pa sa sikip ng traffic, wala naman palang kinalaman sa pagiging anghel.

Siguro kung ang maglalabas-pasok ay tungkol sa paghahari ng Diyos baka iilan lang yang sasakyan d’yan. Nagtatraffic yata hindi naman sa mga alalahaning mala-anghel. Okay ho ba? Naintindihan ba ho ito? Pwede ko nang simulant ang homily? (laughter and applause) Ano na kayo, pinatitigil na ko, kasi baka puwede ko nang simulan baka may lalabas na, aalis na. Di ho, mahaba-haba na rin yun.

Ikalawang punto na at dito ako magtatapos. Ang mga arkanghel sa pangalan nila kita natin ang kanilang natanggap na alalahanin o misyon mula sa Diyos. Si San Rafael, ang Diyos ang naghihilom. San Gabriel ang Diyos ang nagliligtas kaya s’ya yung tagadala ng balita ng kaligtasan. Si San Miguel, sino ang kaparis ng Diyos? Si San Miguel ay nagpapaala-ala sa mga nagpapanggap na sila ay Diyos.

Si San Miguel nagpapamukha sa mga nagdidiyos-diyosan, nahuhumaling sa sarili, nahuhumaling sa sariling dangal, nahuhumaling sa sariling karangalan at kapangyarihan, at akala nila sila na ang diyos. Kapag dumating si San Miguel, taglay-taglay ang lakas at pangalan ng tunay na Diyos, tinatanong n’ya sa mga nagpapanggap na Diyos, “sino ang katumbas ng Diyos? Wala… wala.”

Ang mga nagdidiyos-diyosan, hindi magtatagal kasi nagsimula sa huwad, huwad na lakas. Kaya malinaw din sa mga pagbasa, lalo na sa ikalawang pagbasa na kung mayroon mang lakas o kapangyarihan ang arkanghel Miguel, ito ay hindi kan’ya, ito ay sa Diyos na ipinamamalas n’ya sa iba.

Kapag nagpanggap si San Miguel na s’ya ang may taglay ng lakas, hindi na s’ya anghel, isa na rin s’ya sa magiging huwad na diyos-diyosan. Kailangan po natin sa panahon natin ngayon ng maraming Miguel na ipamumukha sa ating lahat, kasama na tayo. Hindi natin hinihiwalay ang sarili natin, dahil laging may tukso na magpanggap na diyos. Pati minsan yung tumutuligsa sa mga nagdidiyos-diyosan tunog din sila na parang diyos-diyosan. Mahirap yun. Kaya tayong lahat magpapakumbaba at kikilalanin iisa lang ang Diyos, at tayong lahat naging mga katuwang ng Diyso at ni San Miguel.

Simulan natin sa sarili nating buhay, ano ba ang mga itinuturing nating diyos? Pinaghuhugutan natin ng lakas at kapangyarihan, huwag tayong mag-alala isusugo ng Panginoon si San Miguel para tayo ay paalalahanan, at ipakita, walang ibang lakas, walang ibang kapangyarihan kun’di ang galing sa tunay na Diyos.

Tayo po’y tumahimik sandali at hilingin sa Panginoon na mapasa atin ang buhay na paglilingkod na pinakita ng mga anghel na akyat-panaog, labas pasok, dahil sa misyon at tulad ni San Miguel, huwag nating ipagpalit ang tunay na Diyos at ang Kan’yang kapangyarihan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Diabolical Proposal

 4,760 total views

 4,760 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 12,496 total views

 12,496 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 19,983 total views

 19,983 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 25,308 total views

 25,308 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 31,116 total views

 31,116 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 7,944 total views

 7,944 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 7,943 total views

 7,943 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 7,901 total views

 7,901 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 7,913 total views

 7,913 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 7,954 total views

 7,954 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 7,911 total views

 7,911 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 7,881 total views

 7,881 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 7,875 total views

 7,875 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 7,948 total views

 7,948 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 8,094 total views

 8,094 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 7,928 total views

 7,928 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 7,976 total views

 7,976 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 7,936 total views

 7,936 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 7,894 total views

 7,894 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 3,012 total views

 3,012 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top