Kababaihang seafarers, binasbasan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 557 total reads

Binasbasan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababaihang Seafarers, sa ika-24 na pagdiriwang ng National Seafarers Sunday noong ika-29 ng Septyembre.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle ipinaalala nitong sa pagsisimula ng simbahan ay mga manlalayag din ang unang naging apostol ni Hesus na inatasang mamalakaya ng mga tao.

Bukod dito, kinilala din ng Kardinal ang mukha ng mga Seafarers sa mundo bilang mukha ng mga Pilipino, dahil mula sa 1.2milyong mga seafarers ay halos kalahati o 400-libo ang mga Pilipino.

“Mabuting tao daw ang mga Pilipino, marunong makipagkapwa tao , kaya maraming salamat sa inyo, isa kayo sa the best exports ng Pilipinas, hindi produkto kun’di tao. Marangal na Pilipino, yan ang kinikilala ng mundo, salamat sa inyo.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, kaugnay sa tema ng pagdiriwang na “Marinong Filipino-Kababaihan: Palakasin sa Industriya” pinuri naman ni Cardinal Tagle ang galing, talino, integridad at dangal ng mga marinong pilipina.

Aniya, sa kabila ng abilidad na ito ng mga manlalayag ay mayroong kirot sa bawat puso dahil kinakailangan nitong iwan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Mayroong kakaibang kirot sa puso ng mga kababaihan ang mawalay sa kanilang pamilya kaya isa din itong palatandaan ng inyong pagmamahal, ng inyong lakas ng loob, ng inyong pananampalataya, na ang kirot na ito na inyong dinadala [ay para] sa kabutihan ng pamilya, at ng bansa.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa huli, pinaalalahanan naman ng Cardinal ang mga marino na sa kabila ng tagumpay na kanilang nakakamit dahil sa masipag na pagtatrabaho, ay huwag kalilimutan ang kanilang pinagmulan at huwag magpapadala sa salapi na nagbibigay kaginhawahan at karangyaan sa mundo.

Aniya, ang karangyaan at kaginhawaan ay maaaring makapagdulot sa tao ng pagkamanhid at kawalang pakialam sa kapwa.

Dahil dito, sinabi ni Cardinal Tagle ang tunay na batayan ng pag-asenso ay ang pagdamay sa kapwa.

“Habang nagsisikap para gumanda ang buhay ng ating pamilya, at ng ating bansa, wag sanang umuwi ito sa pagkalimot sa ating pinagmulan, ang pagkalimot sa mga nangangailangan” pahayag pa ni Cardinal.

Una na ring nanawagan ang Prefect of the Dicastery for Promoting Integral Human Development ng Vatican na si Cardinal Peter Turkson, na mag-alay ng panalangin sa mga seafarers, mga mangingisda at iba pang maritime workers.

Sinabi ni Cardinal Turkson na kinakailangang bigyang pagpapahalaga ang 1.5milyong seafarers sa buong mundo na tumatawid ng karagatan upang maihatid ang 90% ng mga kalakal na ginagamit ng mga tao sa iba’t-ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 19,264 total reads

 19,264 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 105,006 total reads

 105,006 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 142,378 total reads

 142,378 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 173,638 total reads

 173,638 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 245,614 total reads

 245,614 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,193 total reads

 377,193 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top