Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

SHARE THE TRUTH

 2,285 total views

Homily
Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
Palm Sunday mass
Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila
April 13, 2019

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week, Semana Santa.

Pero nakakabagabag, papa’no nga ba naging Holy, Santa, ang linggong ito? Isang linggo na nakakakilabot, nakakabagabag, dahil sa sinapit ni Hesus. Si Hesus na katulad sa unang pagbasa ay nagpahayag ng salita ng Diyos, subalit ang Kan’yang tinanggap ay panlalait at poot.

Si Hesus na sinasabi sa ikalawang pagbasa, hinubad N’ya ang Kan’yang dangal bilang Diyos, upang makipag-isa sa atin, sinamahan tayo, pero ano ang Kan’yang napala sa pagsama sa atin? Kapahamakan.

Ano ang banal sa linggong ito? Hindi ba dapat tawagin itong isang linggo ng kahihiyan? Hindi ba dapat tawagin itong linggo ng pagkatalo ni Hesus? Hindi ba dapat tawagin itong linggo ng karahasan at kalupitan ng tao sa isang inosenteng kapatid? Hindi ba ito dapat tawaging linggo ng kawalan ng utang na loob? Bakit natin ito tinatawag na holy? Bakit natin ito tinatawag na banal? Ang nagpapabanal po sa linggong ito ay si Hesus.

Kaya mula po ngayon, titigan natin si Hesus, kahit kung minsan hindi maarok ng ating isip at hindi kaya ng ating puso na masikmura ang ating makikita sa Kan’ya pero walang ibang dahilan, walang ibang dahilan bakit banal ang linggong ito kun’di dahil kay Hesus.

Harinawa, araw-araw lalo na pagdating sa Holy Thursday, Good Friday, Black Saturday, ipukol natin ang ating mga mata kay Hesus, buksan ang puso kay Hesus, buksan ang tainga sa Kan’yang salita, at kahit hindi nga natin S’ya lubusang maunawaan, h’wag bibitaw sa Kan’ya upang matuto tayo sa Kan’ya, ganito ang kabanalan.

Ganito ang holiness, ganito ang pakikitungo ng Diyos sa atin. At harinawa, tayo ay tumulad sa Kan’ya, sumunod sa Kan’ya. Itong linggo ng palaspas o ang tawag po natin, linggo ng pagpapakasakit N’ya, Passion Sunday, ang pakiusap po sa atin, sumunod kay Hesus. Malimit kong sabihin kapag tayo ay mamamasyal, maraming gustong sumama sa atin. Kapag ikaw ay maglilibre sa restaurant, maraming susunod sa iyo.

Kapag ikaw ay mamumudmod ng benepisyo, kay rami-raming susunod! Kapag nagbalita ka, mamimigay ako ng 2,000, ang dami-daming susunod pero kapag [mayroon] sa kabila magsasabing, “3,000!” iiwanan ka! Pupunta doon sa 3,000. Pero kapag ikaw ay pupunta sa kalbaryo may sasama kaya? Ang nangyari kay Hesus, iniwanan S’ya ng mga alagad, kaya naghahanap si Hesus ngayon.

Ginunita natin ang pagpasok N’ya sa Jerusalem. Sinalubong ng mga nagkakantahan at nagwawagayway, pero hanggang kailan yan magtatagal? Kapag S’ya ay nandoon na sa krus, may susunod pa ba? Nandito sa ating parokya ang Kan’yang inaanyayahan, “tumingin kayo sa akin, sumunod kayo sa akin.” At h’wag po tayong maghintay, “hindi ako karapatdapat, makasalanan ako! Hindi ako makakasunod sa iyo Hesus.”

Kalimitan ‘yon ay ating dahilan lamang para talaga hindi sumunod. Sa narinig nating ebanghelyo, sino ang mga sumunod? Si Simon na taga Sirene. Galing sa bukid, nag trabaho, na tyempo, nakita s’ya ng mga sundalo, “halika! Pasanin mo ang krus ni Hesus.” Napilitan, walang plano, pero s’ya ang sumabay kay Hesus. Tayong mga minsang tatakot-takot, nag-aalinlangan, h’wag kang mag-alala, pwede kang sumunod kay Hesus. Ang mga kababaihan, tumatangis para kay Hesus, sumusunod, matapang, nalulungkot.

Sila ang nakarinig ng mabuting balita kay Hesus. “H’wag Ako ang tangisan ninyo, tangisan ninyo ang inyong sarili, tangisan ninyo ang mga anak ninyo, tangisan ninyo ang mga marami pa na ipapako sa krus, h’wag Ako.”

Binabaling ni Hesus ang kanilang mga mata at puso sa iba pang mga nagdurusa. Kababaihan, kayo ang matatapang, kayo ang hindi nag-iwan kay Hesus, patuloy kayong sumunod kay Hesus at patuloy kayong lumapit sa mga nagdurusa sa mundo. Yaong isang makasalanang nakapako kasama ni Hesus, yung isa sinusumbatan si Hesus.
‘Di ba ikaw ang mesiyas, patunayan mo! Iligtas moa ng sarili mo, iligtas mo kami.” Pero yung isa, makasalanan, inamin ang kasalanan n’ya, pinagalitan pa nga n’ya yung isa, sabi n’ya, “Tayong dalawa, dapat talaga ipako kasi makasalanan.

Ito si Hesus, inosente,” at s’ya ay sumunod kay Hesus. “Alalahanin mo ako sa iyong paghahari.” At ipinangako ni Hesus, “Ngayon pa man, kasama ka sa paraiso.” Makasalanan tayong lahat, dapat tayo ang ipinapako, pero pwedeng sumunod kay Hesus.

Mga kapatid, may iba-iba tayong kwento, yung iba sa inyo parang Simon ng Sirene. Palakad-lakad lang d’yan baka tawagin ka, sumunod kay Hesus, sumama ka! baka ikaw ay tumatangis, awang-awa sa isang nagdurusa, sa isang nagugutom, tumangis ka, kasama ‘yan sa pagsunod kay Hesus.

Makasalanan tayong lahat pero hindi ‘yan balakid para sumunod kay Hesus hanggang sa paraiso. ‘Yan ang magpapabanal sa linggong ito. Ang inapi, ang niluran, ang nilapastangan na si Hesus, ano ang ganti sa atin? Pagpapatawad, pang-unawa, paraiso.

S’ya ang dahilan bakit banal ang linggong ito. Holy Week. At sana, maging banal din tayo, papaano? Titigan mo si Hesus, sumunod kay Hesus kahit hindi karapatdapat, mahalin si Hesus at gawin ang Kan’yang halimbawa.

Mga kapatid sino po kayo? Si Simon ng Sirene, kababaihang tumatangis, o yung magnanakaw na nakapako? Sa mga magnanakaw, may pag-asa ka, sumunod ka kay Hesus, hanggang sa paraiso.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 10,535 total views

 10,535 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 25,612 total views

 25,612 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 31,583 total views

 31,583 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 35,766 total views

 35,766 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 45,049 total views

 45,049 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,139 total views

 6,139 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,138 total views

 6,138 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,096 total views

 6,096 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,108 total views

 6,108 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,149 total views

 6,149 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,106 total views

 6,106 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,192 total views

 6,192 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,076 total views

 6,076 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,070 total views

 6,070 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,143 total views

 6,143 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 6,288 total views

 6,288 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,122 total views

 6,122 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,171 total views

 6,171 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,131 total views

 6,131 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,089 total views

 6,089 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top