Gawing bahagi ng araw-araw na pamumuhay ang Alay Kapwa

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Ito ang paanyaya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kaugnay sa taunang pagdaraos ng Alay Kapwa ng mga simbahan at ng Caritas Damay Kapanalig Alay Kapwa Telethon.

“This is a Lenten campaign pero kung tutuusin kahit na hindi nakapaskil ang programang Alay Kapwa- araw-araw ay dapat na Alay Kapwa. Paalaala, sana hindi lang pang-kuwaresma. Ang programa ay intensification ng isang pang-araw araw sanang bahagi ng ating buhay.” paanyaya ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang Alay Kapwa tuwing Semana Santa ay isang programa ng simbahan bilang pagpapaigting sa pagbabahagi ng tulong sa kapwa sa pamamagitan ng iba’t-ibang institusyon ng simbahan.

“At ang Alay Kapwa ay isang paraan ng solidarity, pakikiisa para malaman ng mga taong nagdurusa na hindi sila nag-iisa, hindi sila nakakalimutan. Merong handa na mag-alay na anumang pag-ibig, pagpapakita ng pag-ibig sa kanila. Kaya tulungan natin ang Caritas at ang mga sangay ng simbahan sa pagpapakita ng pag-ibig ni Hesus sa pamamagitan ng Alay Kapwa,” pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang Ang Alay Kapwa ay isang paraan ng pagbabahagi ng pag-ibig tulad din ng ginawa ni Hesus na pag-aalay ng kaniyang sarili para sa sanlibutan.

Iginiit ni Cardinal Tagle na ito ay munting paraan ng pagpapakita ng pagdamay sa mga nangangailangan nang hindi sinusukat sa halaga ng ibinibigay kundi pagpapakita ng pagdamay at pakikiisa sa mga biktima ng iba’t ibang kalamidad.

“Ito po ay ispiritwalidad. Kasi ang ginawa ni Hesus ay ialay ang Kanyang buhay. Sabi nga niya ito ang Aking katawan, ang Aking dugo inialay Niya para sa kapwa. Kasi isinugo Siya ng Ama bilang larawan ng pag-ibig at ang pag-ibig ay pag-aalay ng sarili para sa iba. Ang maganda kay Hesus hindi lamang Niya inialay ang sarili Niya para sa mababait sa Kaniya, mabubuti na. Inialay Niya ang sarili Niya para sa lahat. Kasama ang mga makasalanan at tumutuligsa sa Kaniya. Ganyan kabuo ang Alay Kapwa ni Hesus,” mensahe ni Cardinal Tagle.

Ang malilikom na pondo ng Alay Kapwa ay inilalaan sa mga posibleng biktima ng natural at manmade disasters tulad ng digmaan, sunog, lindol, at mga bagyo.

Sa Pilipinas, tinatayang may higit sa 20 bagyo ang karaniwang nanalasa sa bansa kada taon.

Nagsisimula ang telethon alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa mga nais na magbahagi ng tulong maaring tumawag sa 925-7931 hanggang 40.

Noong nakalipas na taon, may P5 Milyon ang nakalap ng Caritas Manila na inilaan sa Damayan Program.

Kabilang sa mga pinaglaanan ng nakalap na pondo ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton, Josie at Ompong; ang pagsasaayos ng Marawi City dulot ng digmaan; mga lumad sa Mindanao, mga biktima ng pagliligalig ng bulkang mayon at mga biktima ng sunog sa Metro Manila.

Inanyayahan din ni Cardinal Tagle na huwag limitahan ang pagtulong dito sa bansa kundi maging sa iba pang mga bansa na nakakaranas ng kalamidad at digmaan.

“Huwag din po nating kalilimutan na mag-Alay Kapwa sa mga kapatid natin sa ibang bansa na mahihirap din at hindi handa, sanay sa mga disaster. Kaya ang panawagan sa atin dito na mag-Alay Kapwa pero lumabas din tayo sa boundaries ng ating bansa. Maraming tayong kapatid na nagdurusa,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle na siya ring Pangulo ng Caritas Internationalis, nagpaabot din ng tulong ang Pilipinas sa pamamagitan ng simbahan sa naganap na lindol sa Nepal at pagbaha sa Malawi.

“Tumimo sa kanilang (Nepal) isip, hindi ang halaga kungdi na sila ay inaala-ala pati ng mga nangangailangan na Filipino,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Taong 2013 nang makaranas ng mapaminsalang bagyo ang bansa- ang bagyong Yolanda kung saan tumanggap ng tulong ang Pilipinas mula sa international community.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 52,303 total views

 52,303 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 57,721 total views

 57,721 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 64,428 total views

 64,428 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 79,221 total views

 79,221 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 85,377 total views

 85,377 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 5,736 total views

 5,736 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 16,830 total views

 16,830 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 32,276 total views

 32,276 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 33,577 total views

 33,577 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 38,436 total views

 38,436 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 38,413 total views

 38,413 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 48,634 total views

 48,634 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 48,331 total views

 48,331 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 49,862 total views

 49,862 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 32,679 total views

 32,679 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 42,158 total views

 42,158 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 39,109 total views

 39,109 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 42,630 total views

 42,630 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 46,665 total views

 46,665 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Yolanda anniversary, itinalagang kapistahan ng Our Lady of Hope of Palo

 58,290 total views

 58,290 total views Kasabay ng paggunita sa ika-10 taon ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region, itinalaga ni Palo Archbishop John Du ang petsa ng November 8 bilang taunang pagdiriwang o ang Feast of Our Lady of Hope of Palo. Layunin ng deklarasyon ang higit pang paigtingin ang debosyon sa Our Lady of Hope

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top