Ika-9 na Caritas Day, ipinagdiwang ng Archdiocese ng Lingayen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Matagumpay na nagdaos ang Archdiocese of Lingayen-Dagupan ng Caritas Day, noong ika-5 ng Septyembre, kasabay ang kapistahan ni St. Theresa of Calcutta.

Ito ang ika-9 na taong pagdiriwang ng Caritas Day sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan.

Ayon kay Father Estephen Mark Espinoza, Director ng Ministry of Social Action, layunin nito na mapalakas ang pagbibigay tulong ng Arkidiyosesis sa mga nangangailangan.

Dagdag pa dito, pinalalakas din ng simbahan ang pakikipag-tulungan sa mga ahensya ng pamahalaan para sa pagbibigay serbisyo sa mga mahihirap.

“The Archdiocese of Lingayen Dagupan every September 5, celebrates Caritas Day. Which coincides with the feast of St. Therese of Calcutta, and when we celebrate the Caritas Day we include all of our ministries under the commission of Social Services. Nandito po ang Social Action, Health Care, ministry para sa mga drug dependents and other ministries that are tied up with the social services commission,” pahayag ni Father Espinoza sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga proyektong nasa ilalim ng Caritas Lingayen-Dagupan ang “Dugo ko, Buhay mo”, kung saan mayroong account ang Archdiocese sa blood bank ng Region I medical center na nakalaan para sa mga mahihirap.

Nanawagan si Father Espinoza sa mga mananampalataya na magbahagi ng kanilang dugo upang patuloy na may magamit ang mga mahihirap na kababayang mangangailangan nito.

Mayroon ding programa ang arkidiyosesis para sa Disaster Preparedness at ang “I Care, I Plant” o tree planting activity na para sa pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa Pari, matapos manalasa sa Pilipinas ang bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009, nakita ng arkidiyosesis ang pagiging bulnerable nito sa mga sakunang dulo’t ng nagbabagong klima.

Sinimulan din ang Caritas Day na may unang layunin na palakasin ang disaster awareness ng mga mananampalataya, at higit pang matulungan pa ang mga mahihirap na paunlarin ang kanilang buhay, hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga relief items.

Bukod sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap sa kanilang kalusugan, at kabuhayan, patuloy namang hamon para kay Father Espinoza ang ipinapaalala ng kanilang Arsobispo na si Archbishop Socrates Villegas na pagpapayaman sa espiritual na aspeto ng mga mananampalataya sa arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,596 total reads

 53,596 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,066 total reads

 133,066 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,511 total reads

 166,511 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,809 total reads

 201,809 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,194 total reads

 426,194 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,722 total reads

 37,722 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,611 total reads

 30,611 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top