Seguridad ng Penafrancia festival, masusing pinaghahandaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 855 total views

Aktibong nakikipagtulungan ang Archdiocese of Nueva Caceres sa local na pamahalaan at Philippine National Police at Hukbong Sandatahan ng Pilipinas upang matiyak ang seguridad ng mga deboto at mga mananampalataya na makikibahagi sa Peñafrancia Festival sa Naga City sa susunod na linggo.

Ayon kay Rev. Fr. Mark Real, Social Action Center director ng arkidiyosesis, puspusan ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa puwersa ng pamahalaan upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan at pangkabuuang seguridad ng mga dadalo sa taunang tradisyon ng Traslacion at Fluvial Procession ng imahen ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Inihayag ng Pari na bahagi sa paghahanda sa nakatakdang kapistahan ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippine, Coast Guard, Local Government Units at maging Bureau of Fire Protection.

“Merong coordination ang city government ng Naga at ang Archdiocese of Caceres and yung City government also involves all the other agencies PNP, Army, Coast Guard, mga nasa medical agencies at ang mga ito ay nagkaroon ng iba’t ibang preparation at plano pinagbuo nila sa tinatawag na JOC o Join Operation Center nakasama diyan yung Simbahan at ito ngang iba’t ibang agencies na ito…”pahayag ni Father Real sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon kay Father Real, tinitiyak ng binuong Joint Operation Center para sa kapistahan ang seguridad, kumunikasyon, traffic at contingency plan para sa anumang emergency situation sa kasagsagan ng kapistahan.

Bukod dito, inihayag rin ni Fr. Real ang muling pagpapatupad ng signal jamming kasabay ng malalaking aktibidad bilang pag-iingat sa anumang maaring maging banta sa kaligtasan ng mga deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

“When it comes to security prepared naman po lahat pati yung pag-check sa mga CCTV sa mga potential na pwedeng maging threat tapos yung activities yung highlight talaga magkakaroon ng shutdown nung signal, may mga augmentations sa PNP and military personnel…” Dagdag pa ni Fr. Mark Real.

Tema ng kapistahang ngayong taon ang “Doing Christ’s Mission with Youthful Hearts with Mary” na layuning pamalakas pa ang pananampalataya at pagmimisyon ng bawat isa sa Panginoon tulad na lamang ng pananampalataya ng mga kabataan sa paggabay ng Mahal na Birheng Maria.

Taong 2016 tinatayang umabot ng 1.8-milyon ang bilang ng mga debotong nakiisa sa pagdiriwang habang umabot naman sa mahigit 2-milyong ang naitalang mga debotong nakiisa noong nakaraang taon.

Tumatagal ng isang linggo ang Pista ng Our Lady of Peñafrancia na nagsisimula sa ikalawang Biyernes ng Setyembre kung kailan inililipat ang milagrosong imahen ng Nuestra Señora de Peñafrancia mula sa kanyang shrine patungo sa Naga Metropolitan Cathedral sa pamamamagitan ng Translacion o prosesyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 213,677 total views

 213,677 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 243,901 total views

 243,901 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,545 total views

 270,545 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,518 total views

 365,518 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 372,696 total views

 372,696 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top