Obispo ng Tagbilaran at Talibon, umaapela ng pakikiisa sa “Coastal Clean-up”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Nanawagan si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mananampalataya sa lalawigan ng Bohol na makikiisa sa paglilinis ng mga baybaying dagat.

Ayon sa Obispo, ito ay pakikiisa sa taunang International Coastal Clean Up na ginaganap tuwing ika – 21 ng Setyembre sa pangunguna ng Ocean Conservancy, isang grupong nangunguna sa pagtataguyod ng malinis na karagatan at ligtas para sa mga yamang dagat.

“In collaboration with the Provincial Government of Bohol, Tagbilaran & Talibon Dioceses invite all to join INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP DAY,” pahayag ni Bishop Uy.

Tiniyak ng Obispo na kaisa ang Simbahang Katolika ng mga Boholano at buong Filipinong komunidad sa bansa sa pagsusulong ng malinis na karagatan, mga ilog at maging ang mga kanal na daluyan ng tubig.

Inihayag ni Bishop Uy na napapaloob sa ensklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si kung saan mariing ipinanawagan ng Simbahan ang malinis na kapaligiran para sa kinabukasan ng mga kabataang maging tagapagmana ng sanlibutan sa susunod na henerasyon.

“This is our way of caring for our environment in response to the call of Pope Francis in his encyclical Laudato Si’,” ani ng Obispo.

Magugunitang 1986 nang inilunsad ang Coastal Clean-up ng Ocean Conservancy sa Estados Unido na layong alisin ang mga kalat sa mga baybaying dagat tulad ng mga plastic.

Higit tatlong dekada na ang nakalipas mas lalong lumawak ang kampanya sa higit 100 mga bansa sa buong mundo na nakiisa sa adhikain ng grupo na pagpanatiling malinis ang kalikasan.

Dahil dito hinikayat ni Bishop Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon ang bawat grupo ng mga diyosesis sa Bohol na pangunahan ang paglilinis sa mga ilog na kanilang nasasakupan at pagmalasakitan ang kalikasan na tahanang panlahat ng bawat nilikha ng Diyos.

“Requesting parishes, organizations, and communities to organize themselves for the said activity,” saad pa ni Bishop Uy.

Pinasalamatan ng mga Obispo ang Bohol Environmental Management Office at ang Social Action Center ng Tagbilaran sa pangunguna sa nasabing gawain at umaasa sa positibong pagtugon ng bawat mamamayan.

Sa tala ng Ocean Conservancy, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may malaking ambag sa maruming karagatan na batay sa pagsusuri 2.7 milyong toneladang basurang mga plastic ang taunang nalilikha ng mga Filipino at 20 porsyento rito ay napupunta sa karagatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,186 total reads

 18,186 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,592 total reads

 52,592 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,074 total reads

 89,074 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,286 total reads

 107,286 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,679 total reads

 190,679 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top