Seguridad ng Penafrancia festival, masusing pinaghahandaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 910 total reads

Aktibong nakikipagtulungan ang Archdiocese of Nueva Caceres sa local na pamahalaan at Philippine National Police at Hukbong Sandatahan ng Pilipinas upang matiyak ang seguridad ng mga deboto at mga mananampalataya na makikibahagi sa Peñafrancia Festival sa Naga City sa susunod na linggo.

Ayon kay Rev. Fr. Mark Real, Social Action Center director ng arkidiyosesis, puspusan ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa puwersa ng pamahalaan upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan at pangkabuuang seguridad ng mga dadalo sa taunang tradisyon ng Traslacion at Fluvial Procession ng imahen ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Inihayag ng Pari na bahagi sa paghahanda sa nakatakdang kapistahan ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippine, Coast Guard, Local Government Units at maging Bureau of Fire Protection.

“Merong coordination ang city government ng Naga at ang Archdiocese of Caceres and yung City government also involves all the other agencies PNP, Army, Coast Guard, mga nasa medical agencies at ang mga ito ay nagkaroon ng iba’t ibang preparation at plano pinagbuo nila sa tinatawag na JOC o Join Operation Center nakasama diyan yung Simbahan at ito ngang iba’t ibang agencies na ito…”pahayag ni Father Real sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon kay Father Real, tinitiyak ng binuong Joint Operation Center para sa kapistahan ang seguridad, kumunikasyon, traffic at contingency plan para sa anumang emergency situation sa kasagsagan ng kapistahan.

Bukod dito, inihayag rin ni Fr. Real ang muling pagpapatupad ng signal jamming kasabay ng malalaking aktibidad bilang pag-iingat sa anumang maaring maging banta sa kaligtasan ng mga deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

“When it comes to security prepared naman po lahat pati yung pag-check sa mga CCTV sa mga potential na pwedeng maging threat tapos yung activities yung highlight talaga magkakaroon ng shutdown nung signal, may mga augmentations sa PNP and military personnel…” Dagdag pa ni Fr. Mark Real.

Tema ng kapistahang ngayong taon ang “Doing Christ’s Mission with Youthful Hearts with Mary” na layuning pamalakas pa ang pananampalataya at pagmimisyon ng bawat isa sa Panginoon tulad na lamang ng pananampalataya ng mga kabataan sa paggabay ng Mahal na Birheng Maria.

Taong 2016 tinatayang umabot ng 1.8-milyon ang bilang ng mga debotong nakiisa sa pagdiriwang habang umabot naman sa mahigit 2-milyong ang naitalang mga debotong nakiisa noong nakaraang taon.

Tumatagal ng isang linggo ang Pista ng Our Lady of Peñafrancia na nagsisimula sa ikalawang Biyernes ng Setyembre kung kailan inililipat ang milagrosong imahen ng Nuestra Señora de Peñafrancia mula sa kanyang shrine patungo sa Naga Metropolitan Cathedral sa pamamamagitan ng Translacion o prosesyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,176 total reads

 18,176 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,582 total reads

 52,582 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,064 total reads

 89,064 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,276 total reads

 107,276 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,671 total reads

 190,671 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top