VeritasPH

The Word, The Truth

Obispo, nangangamba sa pagbalewala ng gobyerno sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 260 total views

Ikinalulungkot ng isang Obispo ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas na nahaharap sa matinding hamon at pasanin.

Ikinadismaya ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang patuloy na pagbalewala ng mga opisyal ng pamahalaan sa sektor ng pagsasaka na siyang bumubuhay sa Pilipinas at nagbibigay pagkain sa mga Filipino.

“Im so disappointed about it kasi parang nalimutan nilang ang backbone ng ating ekonomiya ay ang agriculture,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng Obispo ay kaugnay sa hinaing ng mga magsasaka sa mababang farmgate price ng palay na 7-piso lamang kada kilo sa ilang bahagi ng bansa partikular sa Central Luzon na tinaguriang ‘rice granary’ ng bansa.

Pinuna ni Bishop Dela Peña ang mga usaping tinatalakay ng pamahalaan at ng mga mambabatas subalit hindi nakikitaan ng pagkabahala sa kalagayan ng sektor ng pagsasaka na apektado ng mga polisiyang ipinatupad ng gobyerno.

Iginiit ng mga grupo ng magsasaka tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Amihan at Bantay Bigas na ang mababang presyo ng palay ay dulot ng pagsabatas ng malayang pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Liberalization Law.

Naunang hinamon ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang kasalukuyang administrasyon na tulungan at sagipin ang mga magsasaka na lubhang apektado ng Rice Tarification law o ang pagdagsa ng imported na bigas sa bansa.

Read: Obispo, nanawagan sa pamahalaan na sagipin ang mga magsasaka

Dahil dito binigyang diin ni Bishop Dela Peña na nararapat bigyang tuon ito ng pamahalaan upang makahanap ng mga hakbang na makatutulong sa higit 2 milyong magsasakang apektado ng imported rice surplus sa bansa.

“This is a very serious and important issue nga angay gyud unta hatagan ug pagtagad diha-diha dayon [na dapat bigyang pansin sa lalong madaling panahon.]” ani ni Bishop Dela Peña.

Iginiit ng Obispo na ang mga magsasaka ang pangunahing apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo’t umaasa lamang sa pagsasaka ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ng Obispo na dapat unahin ng pamahalaan ang sektor ng pagsasaka upang maiwasan ang “food crisis” at pag-aaklas ng magsasaka dahil sa pagsasawalang bahala ng mga namumuno.

PAUTANG SA MAGSASAKA

Sinabi pa ng pinunong pastol ng Marawi na hindi sapat ang pagpapautang lamang sa mga magsasaka upang matugunan ang kanilang suliranin kundi kailangang magpatupad ng mga konkretong hakbang ang gobyerno upang maiwasan ang pagbagsak ng lokal na produksyon ng palay.

“Loan? that is not enough,” ani ng Obispo.

Sa pag-aaral ng Bantay Bigas, sa labis na mababang farmgate price ng palay, tinatayang nasa 25, 000 hanggang 31, 000 piso ang mawawalang kita ng mga magsasaka kaya’t pahirapan din ang pagbayad sa mga pautang na inialok ng gobyerno.

Batay sa alok ng Department of Agriculture maaring mag-loan ang mga magsasaka ng 15, 000 piso sa ipinatupad na Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers o SURE Aid na maaring bayaran sa loob ng walong taon.

Subalit iginiit naman ng Bantay Bigas na 4 na porsyento lamang sa 2.4 na milyong magsasaka sa Pilipinas ang makikinabang sa nasabing pautang ng gobyerno.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,057 total views

 6,057 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 13,593 total views

 13,593 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 29,579 total views

 29,579 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 37,624 total views

 37,624 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 42,704 total views

 42,704 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 1,293 total views

 1,293 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 1,367 total views

 1,367 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 4,460 total views

 4,460 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 4,468 total views

 4,468 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 5,001 total views

 5,001 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 5,033 total views

 5,033 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 6,055 total views

 6,055 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 6,195 total views

 6,195 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 6,202 total views

 6,202 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 6,506 total views

 6,506 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 8,883 total views

 8,883 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 9,399 total views

 9,399 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 10,114 total views

 10,114 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 12,952 total views

 12,952 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,794 total views

 13,794 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top